^

PSN Opinyon

PUV modernization‘big business’ na ba?

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

ISA nga bang malaking racket ng LTFRB ang moderni­sas­yon ng mga public utility vehicles (PUV)? Iyan ang pag­dududa ng ilang senador gaya nina Raffy Tulfo at Grace Poe dahil sa paggigiit ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na maimplementa na ito. Nais ng Senado na ipagpaliban ang planong ito ng LTFRB.

Matinding tumututol ang malaking bahagi ng transport sector sa ideyang ito na oobliga sa kanila na gumastos nang mahigit isang milyong piso kada unit ng mga sasakyang aangkatin sa China.

Hindi preparado ang mga maliliit na operators dito. Wala silang pera para bumili ng ganyan kamahal na mga units. Kaya nagbabalak sila na magdaos ng isang linggong transport holiday upang ipakita ang kanilang pagtutol. Ang pagbabago ay hindi natatamo sa pagtatakda ng regulas­yong dapat sundin. Ito ay nangyayari sa natural na proseso.

Halimbawa, kapag may nagsimula sa paggamit ng mga makabagong sasakyan, sa malaon o madali ay maggaga­yahan na ang iba. Iyan ang aking tinutukoy sa nakaraan kong kolum. Bayaan munang mag-modernize ‘yung mga may pera at may gusto nito at huwag pilitin ang mga ayaw.

Ang kaso, tila may mga maimpluwensyang tao na nag­mamadaling tumipak ng limpak-limpak na salapi. We are talking about horrific commission here.

Kahit bahagi na ng Filipino culture ang mga jeepney, darating talaga ang panahon na mabubura ang mga iyan. Naluluma at nabubulok sa panahon ang makina at kapag nangyari iyan, mapipilitan ang mga operators na bumili ng makabago at nasa uso na mga sasakyan.

Kaya hindi maiiwasang maghinala ang marami na ang layunin ng LTFRB ay ang malaking kikitain sa sandaling umangkat ng mga modernong behikulo mula sa China. Ang tanong ni Tulfo, “bakit sa China aangkat gayung tina­takot nito ang ating mga mangingisda pati ang ating coast guard na nagpapatrulya sa West Philippine Sea?”

vuukle comment

LTFRB

RAFFY TULFO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with