^

PSN Opinyon

Pambobomba ng Sayyaf, napigilan

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

MAGSASAGAWA ng pambobomba ang Abu Sayyaf sa Zamboanga City subalit napigilan ito nang matunugan ng Philippine National Police (PNP) ang balak. Ang pambo­bomba ay isasagawa upang lansihin ang tropa ng pamahalaan at saka ire-rescue ang kanilang mga kasamahan na sina Abu Sari at Sahid Alip na nakakulong sa San Ramon Penal Colony, Zamboanga City.

Ayon kay retired police general Gilbert Cruz, Executive Director ng Presidential Anti-Crime Commission (PAOCC) ang plano ng grupo ni Jomar Mohammad ay namanmanan at naaresto ang kapatid ng financier ng grupong ISIS. Nakatakas si Mohammad pero nahuli si Omar Mabanza.

Ayon kay Cruz si Mabanza ay kapatid ni Myrna Ajijul Mabanza  ay matagal ay wanted ng United Nation Security Coucil at United State Department of Treasury sa pagka­kasangkot sa “financing, planning, facilitating, preparing o perpetrating acts of activities” ng Islamic State, Levant (ISIL) o Al-Qaida sa Iraq.

Ayon pa kay Cruz, nakuha sa posisyon ni Mabanza ang mga sangkap ng bomba na time fuse, detonating cord, blasting cap, tin can na naglalaman ng explosive, concrete nail size 4, 14 piraso ng UT scap metal, improvised mecha­nical time fuse, 9 bolt everyday battery, battery snap color blue, 8 peraso ng 7.6 (link), isang container at leather bag na sangkap sa pampasabog.

Naging matagumpay ang operasyon dahil sa magaga­ling na opisyales ng PNP at AFP na kinabibilangan nina Police Regional Office-12 director Brig. Gen. Jimili Macaraeg at Col. Alexander Lorenzo ng 74th IB ng Philippine Army.

Pinapurihan din ni Cruz ang mga tropa ng 84th at 85th SAC, RDB at 55thSAC, ng Special Action Force; Ist ZCMFC, 2nd  ZCMFC, SIU, CIU, CEDU9, PCTC, PS2, ZCPO, TFZ at 74th IB, director ng Zamboanga City at Zamboanga City Police Office.

vuukle comment

ABU SAYYAF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with