^

PSN Opinyon

Kongreso sasaklolohan si ex-President Digong

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

DAPAT bang umaktong tagapagtanggol ni dating Presidente Duterte ang Kongreso kung matutuloy ang imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) sa ikinakasong extra-judicial killings noong rehimen niya?

Nanguna si dating  Presidente Gloria Macapagal Arroyo na ngayo’y Senior Deputy Speaker ng House of Rep­­resentatives sa apela ng may 18-pang mambabatas na suportahan at ipagtanggol ng Kamara si Duterte kung matu­tuloy ang pagsisiyasat. 

Palagay ko, as a matter of protocol para sa isang dating­ pinakamataas na pinuno ng bansa ay legal na gawin ito. Ang pagdepensa kay Duterte ay pagdepensa rin sa sarili ng buong pamahalaan.

Anuman ang opinion ng taumbayan sa drug war, laban man o kontra, ito ay nangyari bilang pambansang policy ng pamahalaan. Ang Kongreso ay bahagi ng pamahalaan kaya dapat lang idepensa si Duterte dahil ito ay pag­ta­tanggol din sa sarili nito.

Kabilang ako sa mga tumutol sa kabi-kabilang pagpatay sa mga drug suspects noon. Maaaring mapapailing­ tayo. Pero iyan ay karapatan ng pamahalaan. Kahit sinu­mang criminal ay may karapatang magkaroon ng tagapagtanggol.

Kung mayroon tayong kaanak na nagkasala sa batas,  ikukuha natin siya ng abogado, hindi ba? Ang tinututulan ko lang ay ang pagkontra ng ilang opisyal ng pamahalaan na papasukin sa bansa ang mga ICC probers dahil ang ICC ay isang international group na binubuo nang maraming bansa.

Kung sasagkaan natin ang plano nitong magsiyasat, ang kalaban natin ay ang mga bansang nakaugnay dito. Yun lang pagbitiw natin sa organisasyon sa kainitan ng EJK issue sa palagay ko ay hindi nakabuti sa ating lugar sa komunidad ng mga bansa sa daigdig. 

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with