^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Bahagyang tumaas sa corruption index

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Bahagyang tumaas sa corruption index

KAHIT bahagyang tumaas ang ranggo ng Pilipinas sa international corruption index, hindi pa rin ito nakakatuwa. Sino ba naman ang masisiyahan kung ang ranggo ay may kinalaman sa isyu ng corruption. Kahit bali-baliktarin, corruption pa rin ang pinag-uusapan dito at malayo pa ang Pilipinas para makaabot sa mas mataas na ranggo. Hindi nakakatuwang pag-usapan ang ukol sa corruption.

Ayon sa 2022 Corruption Perception Index (CPI) ng anti-corruption watchdog na Transpa­rency International, bahagyang umangat ang Pilipinas sa ika-116 na puwesto na mas mataas ng isang punto noong 2021 na ika-117. Nasa 180 mga bansa ang sinuri ng Transparency International.

Bagama’t nasa ika-116 na puwesto, napanatili naman ng Pilipinas ang mababang score nito sa 33 out of 100. Ayon sa Transparency International, ang marka ng isang bansa ay ang nakikitang antas ng katiwalian sa public sector sa sukat na 0-100, kung saan ang 0 ay nangangahulugang highly corrupt at 100 ay nangangahulugang very clean.

Noong 2018 nasa ika-99 na puwesto ang Pilipinas; 2019 ay ika-113; 2020 ay ika-115; at 2021, ika-117.

Masyadong malayo pa ang tatahakin ng bansa bago maabot ang mataas na antas na walang bahid ng corruption. Sa kasalukuyan, maraming tanggapan ng pamahalaan ang batbat ng katiwalian. Maraming nagpapasasa sa pera ng taumbayan. Maraming “buwaya” na walang kabusugan. Ngayong malapit na naman­ ang bayaran ng buwis, tiyak marami na namang opisyal at kawani ng BIR ang mamaman­tikaan ang nguso. At ang BoC, Immigration, DA, DepEd, DPWH at PNP, kailangan pa bang tanungin sa isyu ng corruption?

vuukle comment

CORRUPTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with