^

PSN Opinyon

PNP officers na nagbitiw, dami na  

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

TINUGON ng Police Regional Office 1 (PRO1) ang apela ni Department of Interior and Local Government (DILG) secretary Benhur Abalos na nagsumite ng courtesy resig­nation ang mga heneral at colonels upang mabigyang laya ang pag-evaluate ng five man committee sa hanay ng Phi­lippine National Police (PNP). Pinangunahan ito ni PRO1 director B/Gen. John C. Chua na sinundan naman ni B/Gen. Carlito M. Gaces, Deputy Regional Director for Adminis­tration kasama ang 17 colonels, kaya 100 percent na ang nagsumite ng courtesy resignation sa PRO1.

Subalit hindi roon nagtapos ang kanilang pagsuporta sa apela ni Abalos dahil isinalang sa surprise drug test ang 34 senior officers. Sa kabutihang palad, negative lahat ng senior officers sa drug test. Kaya naman ipinagmamalaki ni General Chua ang naging resulta ng drug test. Ayon kay Chua, “This is a way to manifest our full support to Sec. Abalos and PNP chief Gen. Rodolfo Azurin Jr. Also, in this manner, we could prove to the people that we have a clean and clear conscience and that we are deeply rooted in the fight against illegal drugs.”

Kung sabagay kamakailan lamang, itinanghal ang PRO1 na kinabibilangan ng mga province ng Pangasina, La Union, Ilocos Sur at Ilocos Norte na drug free sa talaan ng Phi­lippine Drug Enforcement Agency (PDEA). Malinaw na ang kampanya ng PRO1 sa droga ay prayoridad sa kanilang sinumpaang tungkulin. Suportado rin ito ng local govern­ment units at iba’t ibang organization kaya naging mata­gumpay ang kampanya sa droga ng PRO1.

At upang patunayan na walang itinatago o pagsawsaw sa pagpapakalat at pag-recycle ng droga ang kapulisan sa PRO1, sinimulan nilang isalang sa drug test ang 34 senior officers na naging negatibo naman sa ipinagbabawal ng droga. Saludo ako sa iyo General Chua at sa police officers mo!

Samantala, nangangamba ang pamilya ng 34 missing­ sabungeros sa pagpatalsik kay Criminal Investigation and Detection Group chief MGen. Ronald Lee. Kasi nga, kung kalian na nagkakaroon na ng leads sa pagtukoy sa pinag­hihinalaang suspek sa pagkawala ng kanilang mga kaanak, saka ito nasibak sa serbisyo, hu-hu-hu! Ayon sa kanila, hindi lamang pulitika ang dahilan kaya naalis si Lee. Ayon sa mga kaanak ng nawawalang sabungeros, gumagana na ang impluwensiya ng illegal online sabong financers.

Bigla na lamang sinibak si Lee sa CIDG kung kailan sinampahan ng kaso ang mga sekyu ng Manila Arena. Bagamat nasa kamay na ni DOJ secretary Jesus Crispin­ Remulla ang dokumento sa naging imbestigasyon ng CIDG, malaki pa rin ang kanilang agam-agam na maliligwak ang kaso dahil sa pagkasibak kay Lee.

Ang aking panawagan sa pamilya ng 34 missing sabu­ngeros, magtiwala kayo sa kakayahan ng PNP at nina secre­taries Remulla at Abalos. Ang courtesy resignation ng heneral at colonel ay bahagi lamang ng kanilang paglilinis sa PNP.

vuukle comment

DILG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with