^

PSN Opinyon

Bus nagkadisiplina sa libreng sakay

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Natatandaan ba n’yo noong araw, nagsasalimbayan sa pagharurot sa lansangan ang mga bus dahil nag-aagawan sa pasahero? Wala pang libreng sakay noon. Dahil dito ay napakaraming naitatalang aksidente na kadalasan ay kina­sasangkutan ng mga bus at maliliit na sasakyan, lalo na ng mga motorsiklo.

Nang nagkaroon ng libreng sakay sa panahon ng pan­demya sa panahon ng panunungkulan ni President Duterte binakuran ang linya ng mga bus na nakapalibot sa kaha­baan ng EDSA. Maski paano nakaluwag ito sa daloy ng trapiko porke obligado na ang mga bus drivers na lumagi sa isang linya sa ilalim ng riles ng MRT.

Habang may libreng sakay, ang mga bus ay sumusunod sa takdang oras na sila ay nakahimpil habang naghihintay ng pasahero. Kapag oras na nilang lumarga aalis na sila kahit may pasahero o wala. Hindi nila kailangan ang pasahero dahil bayad na ng gobyerno ang pasada nila.

Inalis pansamantala kamakailan ang libreng sakay at nag­balik ang panggugulang ng mga driver sa isa’t isa. Nakababad na sila sa takdang sakayan dahil kailangan nilang ma­­puno ang sasakyan para kumita. Kaya may nangyayaring bulyawan at away kapag ang mga bus na nasa likuran pa ay naghihintay nang matagal.

Ngayon, ang magandang balita sa mga mananakay ay ibabalik na ang libreng sakay dahil mayroon nang P1.285 bilyong pondong inilaan para rito. Babalik na rin marahil ang disiplina ng mga driver. Ngunit sana, mayroon man nito o wala, maging displinado lagi ang mga driver.

Maganda ang layunin ng libreng sakay pero hindi ba unfair sa mga  naninirahan sa ibang lugar na walang gan­yang serbisyo? Sana ay pamarisan din ito ng ibang mga lungsod at bayan pero magagawa lang iyan kung ang bawat lugar ay may pondo para rito. Kung hindi posible, alisin na lang ang libreng sakay at ilaan ang pera sa ibang proyektong mapapakinabangan ng lahat ng Pilipino.

vuukle comment

MRT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with