^

PSN Opinyon

Modus sa Bankerohan public market

DURIAN SHAKE - Edith Regalado - Pilipino Star Ngayon

Pasko na at ‘di-mabilang ang mga last-minute na nagsisiksikan sa mga palengke rito sa Davao City lalo na sa napakalaking Bankerohan public market. Napakaraming tao na walang tigil ang pagpasok para mamili ng mga ihahanda sa noche buena.

At talagang lumalabas ang modus ng mga mamimiling gustong makaisa sa mga tinderong walang ginawa kundi magnegosyo lang.

At nagkagulo nga kahapon ng umaga  sa Bankerohan public market kung saan may lalaking namimili at sinabi ba naman na ang kanyang binayad ay P1,000 bill at humingi pa nga nga sukli sa P1,000 niya.

Sinabi ng tindero na hindi P1,000 and kanyang inabot at wala siyang P1,000 paper bill sa pera niya.

Sa tinagal-tagal ng kanilang pagtatalo ay may ipinakita ang taga-Bankerohan public market na isang CCTV recording sa kanyang transaksyon at ‘yon nakitang P100 lang ang binayad niya at hindi P1,000 na kung saan humingi pa siya ng sukli.

Malaking kahihiyan ang inabot ng nasabing lalaki sapagkat dumami ang mga taong nakapaligid sa kanya at nakiusyoso sa gulo.

Ngunit hindi tinablan ng hiya ang nasabing lalaki. Balewala lang sa kanya at patuloy na naglakad para maghanap marahil ng bago niyang bibiktimahin.

Paalala po sa mga tindero sa Bangkerohan na maging alerto sa ganitong modus ng mga kawatan. Mag-ingat sa panahong ito.

Maligayang Pasko sa lahat!

vuukle comment

MARKET

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with