^

PSN Opinyon

BuCor gawing BuCol

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Ang National penitentiary na tinatawag nating Bureau of Corrections (BuCor) ay piitan ng mga taong lumalabag sa batas. Ito ay sa pag-asang mababago pa ang masamang ugali ng mga kriminal na ito.

Pero kung ang mga nakakulong na high profile criminal ay nakapagpapatuloy pa rin sa kanilang mga syndicated crimes at kumikita ng limpak-limpak na salapi, dapat na sigurong palitan ang pangalan nito.

Sa halip na BuCor, gawin itong BuCol o Bureau of Collections. Hindi lang pala droga ang negosyo sa “oblo” kundi nagiging “call center” pa para negosyong gun for hire. Iyan ang nalaman nating mga mamamayan sa nangyaring pagpatay sa hard-hitting radio commentator at You Tube Vlogger na si Percy Lapid. Alam na nating lahat ang istorya.

Naipit tuloy at nasibak sa puwesto si  Prisons Director Bantag lalo na nang mapatay sa pamamagitan ng plastic bag suffocation ang sinasabing middleman na nag-atas sa confessed gunman na patayin si Lapid.

Katuwiran ni Bantag, siya mismo ang nagsagawa ng dras­tikong reporma upang mawala ang privileged treatment sa mga bilanggong impluwensyal pati na ang mga gawaing kriminal sa loob.

Ang nangyari raw ay isang pakana upang maalis siya sa puwesto at makapanatili ang mga gawaing ilegal ng mga impluwensyal na bilanggo. Ngunit ang paglusot ng mga gamit pang-komunikasyon sa kamay ng mga bilanggo gaya ng cellphone ay pananagutan ni Bantag dahil ito ay tanda ng kapabayaan kung hindi man pakikipagsabwatan niya sa mga elementong kriminal.

Kaya nga ibinabawal ang mga communications gadget ay upang maiwasan ang mga krimen gaya nang sinapit ni Lapid.  Anyway, umaasa ang marami na malapit nang mahubaran ng maskara ang tunay na utak sa karumal-dumal na krimen ito.

vuukle comment

BUCOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with