^

PSN Opinyon

Sana tuloy ang bangka at ferry sa Samal Island at Davao City

DURIAN SHAKE - Edith Regalado - Pilipino Star Ngayon

Pinangunahan ni Pres. Ferdinand Marcos Jr. ang groundbreaking ceremony para sa gagawing Samal Island-Davao Connector (SIDC) project kung saan gagawa ng tulay na magko-conect sa Samal Island at mainland Davao City.

Pinakahihintay ang tulay na ito bukod sa pagpaikli ng travel time sa pagtawid na makakabenepisyo nang Malaki sa mga naninirahan sa Samal Island at nagtatrabaho sa Davao City. Malaking tulong din ito sa pagpapalakas ng turismo ng isla.

Kung tutuusin may tatlo at kalahating kilometro lang ang distansiya sa pagitan ng dalawang areas na kung saan kahit magkalapit ay parte na ng Davao del Norte ang Samal Island.

Sa ngayon ang ferry boats na kung saan nagdadala rin ng mga sasakyan maliban sa mga pasahero ang naging means of transportation sa pagitan ng isla at Davao City.

Naging sikat ang Samal Island na kasing laki nga lang ng Singapore dahil  may higit 100 beach resorts ang matatagpuan sa isla na dinarayo ng mga turista at iba pang mga bisita.

At sana nga kahit may tulay na sa 2027, sana manatili pa rin ang ferry boats at mga bangka na ginagamit ng mga tumatawid ng Samal Island at  Davao City. Magiging attraction pa rin ang mga ito sa mga bibisitang turista at dayuhan sa hinaharap.

vuukle comment

SIDC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with