^

PSN Opinyon

Ang sarcasm ni Sen. Cayetano

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Seryosong tao si Sen. Alan Peter Cayetano. Pero minsan mahilig ding magpatawa. Minsan, corny ang mga jokes at minsan pag-iisipan muna bago ma-gets. Ang mga “patawa” niya ay para  bigyang-diin ang punto ng kanyang mensahe. Madalas ito ay patama sa mga tao o issue na nakikitaan niya ng mali.

Sa budget hearing ng Department of Public Works and Highways (DPWH) kamakailan, tinanong ni Cayetano ang ilang mga opisyales kung naaalala nila ang isang chance meeting nila. Sumagot ang mga ito ng hindi. Tugon niya—padadalhan niya ang mga ito ng vitamins para gumanda ang memory.

Tungkol sa proposal na gawing park at central business district ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA), aniya, “One of the proposals during the Duterte administration is if matuloy ‘yung Bulacan and Cavite airport, gawin nang park kahit kalahati ng NAIA. At ito ay magiging lungs o central park ng Pilipinas then ‘yong kalahati ay ibenta as a central business district.”

Idinugtong ni Cayetano ang punch line: “May amended proposal ako. ‘Yung kalahati gawing park, ‘yong kalahati hatiin sa dalawa.  ‘Yong una gawing Ferdinand Marcos Sr. Business Park, ‘yung kalahati gawing Ninoy Aquino Business Park para mag-compete ‘yung mga negosyante rather than boycott, boycott, tingnan na lang natin kung saan sila pupunta doon sa dalawa, ‘di ba?”

Patama ito sa magkaaway na panig. May gustong manatili ang pangalang NAIA at may gustong ipangalan ito kay Ferdinand E. Marcos. Sa simpleng pag-intindi, kung hindi tayo magkakaisa sa isang napakasimpleng bagay, e di bigyan nga naman ng Solomonic solution: hatiin sa dalawa ang proposed central business district para ma-satisfy ang magkabilang panig.

Tama na siguro ang bangayan at magkaisa tayo. Otherwise, baka nga mauwi tayo sa isang absurd situation na hahatiin na lang natin ang public properties para lang mapalamig ang ulo ng mga nag-aaway-away.

vuukle comment

ALAN PETER CAYETANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with