^

PSN Opinyon

Budget ng PGH ‘wag bawasan

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Hindi ko maintindihan ang sense of priority ng gobyerno kung bakit tinapyasan ang budget ng Philippine General Hospital (PGH) ngunit dinagdagan ang para sa Office of the Vice President (OVP). Mantakin ninyo na habang binawasan nang malaki ang pondo ng PGH, ang OVP ay ginawang P2.3 bilyon ang budget mula sa dating P702 milyon noong panahon ni dating VP Leni Robredo.

Sa panahong hindi pa naman talaga tapos ang pandemya sa COVID-19, kailangan pa ng mga institusyong pangkalusugan ang dagdag na pondo. Kasi, hindi pa matiyak kung ano ang magiging health situation bukas. Sa panukalang national budget para sa susunod na taon, ang pondo ng PGH ay ginawa na lamang P5.4 bilyon mula sa dating P6.3 bilyon.

Dahil dito, nagprotesta ang mga manggagawa sa PGH sa budget cut na ipatutupad para sa papasok na fiscal year 2023. Hindi magandang senyales ang ipinararating­ ng pamahalaan sa mata ng taumbayan. Parang wala itong malasakit sa kapakanang pangkalusugan ng madla.

Hindi maiiwasang maghinala ang taumbayan na baka dahil masugid na kaalyado ng presidente si Vice President Sara Duterte kung kaya itinaas ang pondo ng kanyang tanggapan.

Ano ang ibubunga ng pagtatapyas sa budget ng PGH? Natural, maaapektuhan diyan ang serbisyo ng pagamutan sa mga mahihirap na pasyenteng kinakandili nito. Malaking kabawasan ang halagang P830 milyong makakaltas sa taunang budget ng pagamutan.

Makabubuti sa pag-aangat ng imahe ni Presidente Marcos­ Jr. na ngayon pa lang ay punahin na ang depektong ito sa national budget at mahigpit na tutulan ang budget cut ng PGH. Kung tutuusin, mas dapat dagdagan pa ang pondo ng paga­mutan na higit na kailangan habang tayo ay nagta-transition patungo sa pagbabalik ng normal na sitwasyon.

vuukle comment

PGH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with