^

PSN Opinyon

QC ang panalo sa IVLP

QC ASENSO - Joy G. Belmonte - Pilipino Star Ngayon

Matagumpay ang aking biyahe kamakailan sa United States para sa International Visitor Leadership Program (IVLP) ng U.S. Department of State. Kasama ako sa walong delegado mula sa iba’t ibang bansa na kanilang pinili para maging bahagi ng prestihiyosong professional exchange program.

Ang mga tinalakay sa IVLP ay nakabatay sa 2022 Summit­ for Democracy, gaya ng pagpapalakas ng demokrasya, pag­galang sa karapatang pantao, at paglaban sa pandaig­digang katiwalian. Maliban sa pagdalo sa mga seminar at pagtitipon na ginawa sa Washington, D.C., pumunta rin ako sa iba’t ibang siyudad sa U.S. para masaksihan ang kanilang mga programa na maaaring ipatupad sa ating lungsod.

Sa Kalamazoo, Michigan, nalaman ko ang mga programa nila para sa mga kababaihan, kabataan at mga mahihirap na komunidad. Pinuntahan ko ang YWCA doon na nagsi­silbing shelter para sa “women and children at risk” kung saan binibigyan sila ng mga serbisyo gaya ng employment lite­racy, trauma therapy at legal assistance. May educational continuity at counseling din sa mga bata na biktima ng kara­hasan.

Sa ilalim ng kanilang Shared Prosperity program, nakikipagtulungan ang Kalamazoo sa advocacy-based non-profit organizations upang tugunan ang kahirapan at kakulangan sa pinaka nangangailangan nilang mga komunidad. Sa CivitasLA podcast naman sa Los Angeles  kung saan ako naging panauhin, tinalakay ko ang People’s Council of Quezon City, na nagsisilbing umbrella arm ng 2,232 civil society organizations. Makikipagtulungan sila sa atin para masiguro na ang ating mga programa at polisiya ay akma sa pangangailangan ng QCitizens.

Sa aking pakikipagpulong sa mga opisyal ng Culver City, Pasadena at Los Angeles sa California, natalakay ang ilang programa na maaari nating maipatupad tulad ng pag­papalakas sa proteksyon at karapatan ng kababaihan, pabahay, climate change, pagsugpo sa kriminalidad, at pakikipag-ugnayan ng gobyerno at taumbayan.

Nagpapasalamat ako sa U.S. Department of State sa pagkakataon. Napakalaking bagay nito, hindi lang para sa akin, kundi para sa QCitizens dahil lahat ng aking natu­tunan ay sisikapin kong ipatupad para sa kanila.

vuukle comment

DEMOCRACY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with