^

PSN Opinyon

No contact apprehension program tagumpay

QC ASENSO - Joy G. Belmonte - Pilipino Star Ngayon

Batay sa ating obserbasyon sa unang tatlong linggo, masasabing matagumpay ang implementasyon ng No Contact Apprehension Program (NCAP) na sinimulan sa mga piling kalsada sa Lungsod Quezon noong unang araw ng Hulyo.

Sa ilalim ng NCAP, imbes na mga traffic enforcer, mo­dernong camera na may kasamang teknolohiya ng artificial intelligence ang magmamanman ng daloy ng trapiko.

May kakayahan ang mga camera na kumuha ng la­rawan at video ng conduction sticker at plate number ng mga sasakyang lumalabag sa mga batas-trapiko.

Pagkatapos, ipapadala ang notice of violation (NOV) sa address ng may-ari ng sasakyan na nasa record ng Land Transportation Office.

Bibigyan ang violator ng 30 araw para bayaran ang nasabing multa sa pamamagitan ng online (nocontact.quezoncity.gov.ph), over-the-counter sa mga piling banko o di kaya’y cash sa Ground Flr, DPOS Building, QC Hall Compound sa Kalayaan Avenue.

Sa unang 15 araw ng pagpapatupad nito, ipinaabot sa akin ni QC Task Force for Transport and Traffic Management head Dexter Cardenas na nakapagtala sila ng 8,386 insidente ng paglabag sa batas trapiko.

Karamihan sa mga insidente ay hindi pagsunod o disobedience to traffic control signals and signs—7,422 ang first offense, 611 second offense at 218 third offense. Nasa 76 na motorista naman ang humarang sa pedestrian lane, isa sa reckless driving, 57 para sa counterflow (first offense) at isa sa counterflow (second offense).

Walang dapat ipag-alala ang mga naisyuhan ng NOV dahil may 10 araw sila para iapela o kuwestiyunin ito sa QC Traffic Adjudication Board (QC TAB) matapos matanggap ang citation ticket.

Kung hindi mababayaran ang multa, madaragdagan ang inyong problema dahil may karagdagang limang porsiyentong surcharge ang multa kada buwan matapos ang 30 araw na palugit.

Salamat sa NCAP, maiiwasan na ang pagtatalo sa pagitan ng traffic enforcer at nahuling motorista. Walang kotong. Magkakaroon ng disiplina sa daan ang mga driver. Higit sa lahat, magiging ligtas ang ating mga lansangan para sa mga commuter at pedestrian.

vuukle comment

NCAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with