^

PSN Opinyon

Paano susuportahan si President Marcos Jr.?

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Para sa mga “dye-in-the-wool supporters” ng ating bagong-halal na Pres. Bongbong Marcos, ang pagpuna sa masisilip na depekto sa mga programang balak ng admi­nistrasyon ay panlalait sa kanya.

Ano man ang sabihin ni Marcos Jr. ay huwag salu­ngatin at kuwestiyunin, anila. Napansin ko ito sa mga posts sa social media. Gaano man ka-constructive ang komentaryo sa mga deklarasyon ng president-elect ay tumatanggap ng matinding batikos mula sa mga debotong tagasunod.

Totoong dapat suportahan ng taumbayan si Marcos Jr. dahil siya na ang presidente. Ngunit ang pinakamainam na suporta ng taumbayan ay ang lehitimong pagpuna at pagbibigay ng konstruktibong komentong puwede niyang isaalang-alang. Kung hindi naman niya ikokonsidera, nagawa na natin ang ating tungkulin.

Halimbawa, nasabi ko sa nakaraang kolum na ang pagluklok ni Marcos Jr. bilang Agriculture Secretary kasabay ng pagiging presidente ay posibleng makaapekto sa kabuuan niyang tungkulin bilang pinuno ng bansa. Sagot ng ibang netizen sa akin, ‘di dapat magmarunong at pangunahan si Marcos sa kanyang mga desisyon.

Pakutyang sagot pa ng iba “ikaw na kaya ang magpresidente kung mas marunong ka?”

Lahat ng mga leader ay may tagapayo na bahagi ng gabinete. Natitiyak ko na bagamat unsolicited ang payo nating mga ordinaryong mamamayan, puwede niyang gamiting giya ito sa pagbuo ng mga desisyon. Naniniwala­ ako na ma-appreciate ng mabuting leader ang mga kons­truktibong pahayag ng taumbayan dahil kapakanan din naman nila ang nakasalalay.

Ang tiyak na paraan upang mabigo ang isang leader sa kanyang pamumuno ay kung bawat mamamayan ay opo na lang ng opo sa kanyang mga desisyon na animo’y hindi ito puwedeng magkamali. Kailangan din ang oposis­yon at hindi pulos opo ang posisyon.

vuukle comment

BONGBONG MARCOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with