^

PSN Opinyon

Kahit sa survey may dayaan?

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

Binuking ni dating National Statistical Coordination Board (NSCB) secretary general Prof. Romulo Virola ang pagkiling ng Pulse Asia sa sinasabing nangungunang kandidato na si Bongbong Marcos. Sa pinakabagong survey ng Pulse Asia, nananatili sa 56% ang voters’ preference ni Marcos kahit nilalangaw ang mga political rallies sa iba’t ibang lugar maliban sa balwarte niya sa Ilocos.

Bumaba naman ng 1 point ang voters’ preference ni Vice President Leni Robredo kahit napakaraming tao ang duma­dagsa sa campaign rally nito. Kahit sino ay mapapataas ang kilay sa survey lalo na’t hindi tugma ang nakikita ng tao sa mga rally at ang isinasaad sa data. Kaya maraming eksperto sa statistics ang bumusisi sa metodolohiya at sample ng Pulse Asia dahil parang may hokus-pokus sa surveys.

Sinabi ni Virola na masyadong pabor kay Marcos ang metodolohiya na ginamit ng Pulse Asia imbes na dapat ay patas sa lahat ng kandidato. Masyadong malaki ang mga taong sinurvey na hindi nakatuntong sa kolehiyo at kulang naman sa representasyon ang mga nakatuntong sa kolehiyo. Maraming sinurvey na nabibilang sa class D at E, at kaunti ang mga nasa ABC socio-economic classes.

Sinong mag-aakala na kahit sa survey may dayaang nagaganap? Sa pagtatama ng mga mali ng Pulse Asia gamit ang datos mula sa Commission on Elections, Philippine Statistics Authority, at World Bank, lumalabas sa komputasyon ni Virola na bahagyang nangunguna si Robredo na may 40.4% kumpara kay Marcos na 39.6%. Mukhang kapani-paniwala ang computation ni Virola dahil kita naman na mas dinudumog ang political rallies ni Robredo kumpara kay Marcos na kaunti at ang iba ay mga hakot pa.

Ang resulta ng ginawang pagtatama ni Virola ay mas tumpak sa sinasaad ng Google Trends na nangunguna na si Robredo. Sa tala ng Google, nangunguna si Robredo na mayroong 55% searches at pumapangalawa si Marcos na may 25% searches. Kahit si Sen. Kiko Pangilinan ay lamang din sa pagka-bise presidente kumpara sa katunggali na si Sara Duterte.

Salamat kay Virola at nabisto ang ginagawang mind-conditioning ng Pulse Asia. Kung sa survey pa lamang may dagdag-bawas na, paano pa sa eleksiyon?  Kaya nasa kamay ng taumbayan ang tamang survey. Bumoto sa Mayo 9. Iluklok ang tunay na lider na maghahango sa ating kahirapan.

vuukle comment

PULSE ASIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with