Pana-panahon
“And in a few days I will just be a ‘Rodrigo Duterte’,” bungad ni Pres. Rodrigo Duterte sa kanyang nalalapit na pagbaba sa puwesto sa Hunyo 30, 2022.
At kasabay nito ay ang kanyang hangad na magkaroon nang matiwasay, mapayapa at malinis na halalan ngayong darating na May 9.
Ilang araw na lang at malalaman na rin kung sino ang hahalili sa kanya bilang pinakamataas na opisyal ng bansa.
“There is a time to be powerful and there is a time to be a nobody. I used to—in the sky, the brightest star there was mine, shining brightly,” patuloy na namamaalam si Duterte sa bayan na kanyang pinaglingkuran bilang presidente.
Marami sa kanyang mga kritiko ang nagsasabing magkakapit-tuko si Duterte sa puwesto niya—ngunit pinabulaanan niya ang lahat ng haka-haka at lantaran niyang pinagdiinan na wala siyang hangaring maging presidente habang panahon at talagang aalis siya sa puwesto sa takdang panahon.
Wala nang mahihiling pa si Duterte sa kanyang buhay-pulitika—wala ni isang nagdaang election para sa mayor, vice mayor o congressman ng Davao City na siya ay natalo.
Naipanalo ni Duterte ang lahat ng kanyang pagsabak sa pulitika kaya taas noo ngunit mapagkumbaba siyang bababa sa puwesto sa ngalan ng Pilipino.
- Latest