^

PSN Opinyon

Dolyar ng OFW: Masarap na mahirap

PINOY OVERSEAS - Ramon M. Bernardo - Pilipino Star Ngayon

Isang bentahe sa mga dayuhang salapi na pumapasok sa Pilipinas ay ang kapalit na halaga nito sa pera natin tulad sa dollar. Depende sa mga pinagmumulang bansa at depende sa takbo ng ekonomiya,  merong dayuhang salapi na masyadong malaki ang kapalit sa Philippine peso, meron namang hindi gaanong malaki at meron namang maliit lang o masyadong maliit  ang palit sa pera ng Pilipinas. Kapag bumabagsak ang halaga ng peso, tumataas ang halaga ng mga foreign currencies.  Bagaman hindi maganda sa ekonomiya ng bansa natin kapag bumabagsak ang halaga ng peso, pumapabor naman ito sa mga overseas Filipino worker  dahil mas lumalaki ang halaga ng perang ipinapadala nila sa kanilang mga pamil-ya sa Pilipinas. Mala-king bagay sa kanilang mga mahal sa buhay.

Kaso, hindi naman Philippine peso ang ginagamit ng mga OFW kapag meron silang mga binibili, ginagastusan o binabayaran sa kinaroroonan nilang bansa. Siyempre pa, pera ng naturang bansa ang kanilang ginagamit tulad ng sa dollar ng United States at Canada,  pound ng United Kingdom, yuan ng China, yen ng Japan, riyal ng Saudi Arabia, dirham ng United Arab Emirates,  euro ng Europe, rubble ng Russia, ringgit ng Malaysia,  at iba pa.

Dahil pera ng ki-naroroonan nilang bansa ang kanilang ginagamit kapag meron silang binabayaran o ginagastusan tulad sa renta sa bahay o kuwarto, kuryente, tubig, pamasahe,  pagkain, damit,  internet, at credit card,  apektado rito ang kanilang kinikita. Maaa-ring hindi ito gaanong problema sa mga OFW na matataas ang suweldo pero malaking kabawasan ito sa mga maliliit lang ang kinikita lalo na kung masyadong mataas ang halaga ng mga bilihin at serbisyo o ang tinatawag na cost of living sa pinagtarabahuhan nilang dayuhang lugar.

Kaya nga may mga OFW, lalo na iyong maliit lang ang kinikita na lubhang naghihigpit ng kanilang sinturon para makapagpadala sila ng pera sa kanilang mga mahal sa buhay sa Pilipinas. Tinitipid nila ang kanilang sa-rili para mapadalhan nila ng pang-araw-araw na panggastos ang kanilang pamil-ya, makapagpadala ng matrikula sa anak, makapagpagamot ng kamag-anak na may sakit at iba pang pa-ngangailangan. Halos noodles at de latang sardinas na lang ang kanilang kinakain. Malimit nga ang biro ng ibang mga OFW na pagkatanggap nila ng kanilang buwanang suweldo, resibo na lang mula sa remittance center ang natira sa kanila, dahil halos buong kita nila ay ipinadala nila sa Pilipinas. Kaya karaniwan sa maraming OFW ang umuutang sa bangko o sa mga lending agency, sa mga kaibigan, mga katrabaho o kakilala nila para matustusan ang kanilang mga pa-ngangailangan. Kaya lalong nababawasan ang kanilang sahod dahil sa binabayaran nilang mga utang. Hindi sila makaipon. May mga OFW naman na, bukod sa kanilang regular na trabaho, kumukuha sila ng mga part time job o sideline o kaya ay nagnenegosyo para madagdagan ang kanilang kinikita.

Ang mga nabanggit na senaryo sa buhay ng mga OFW ang dapat ding naipapamulat sa kanilang naiwang pamil-ya sa Pilipinas.  Sinasabi nga sa mga financial li-teracy seminar o ng mga financial expert  na dapat nagtutulungan ang mga OFW at ang kanilang pamilya sa pamamahala ng kinikita nilang pera sa ibayong-dagat.

Sinasabi nga ng mga organisasyon o institusyong nagtataguyod sa kapakanan ng mga OFW na dapat makipagtulungan ang bawat miyembro ng pamilya para makaipon sila at makapaghanda ng maganda nilang kinabukasan habang nagbabanat ng buto at nagpapatulo ng pawis sa banyagang lupain ang kanilang mahal sa buhay.  Para hindi naman masayang ang pagpapakahirap at sakripisyo ng mga OFW sa ibang bansa.

Ayon pa sa kanila, dapat nababadyet ng tama ang mga perang ipinapadala ng isang OFW. Iwasan ang mga hindi magandang kaugalian sa paggasta, tulad ng sa mga sumusunod:

Pagwawaldas

Malimit natutukso ang ilang pamilya ng OFW na magtungo agad sa mga shopping mall, department store o restawran pagkatanggap nila ng pera mula sa ibang bansa. Unahin munang bayaran ang mga buwanang bills tulad ng kuryente, tubig at internet connection. Bilhin muna ang ilang groceries at ibang mahahalagang panga-ngailangan.

Pagsusugal

Hindi dapat matukso ang mga pamilya ng OFW na lustayin sa sugal ang perang pinaghirapan ng kanilang mahal sa buhay sa ibayong-dagat. Dugo, pawis at luha ang ipinuhunan para maipadala sa inyo ang pinaghirapan nilang pera. Kung ang rason sa pagsusugal ay kumita agad ng pera at tulungan ang kamag-anak na OFW, hindi ninyo sila tinutulungan.

Pagpapautang

Mag-isip muna ng mabuti kung merong kapitbahay o kaibigan na umuutang sa inyo ng pera. Maganda ngang tumutulong sa kapwa pero mas makakabu-ting mag-budget muna bago ‘magkawang-gawa.’ Mabuti sana kung makakabayad iyong nangungutang.  Paano kung hindi at nakalimutan nang magbayad? Kaya sa halip na magpaobliga sa malambot ninyong puso, konsultahin muna ang miyembro ng inyong pamilya na nasa ibang bansa.

Laging paghingi ng pasalubong

Marami rin ang nag-aakala na isang beses lang pumupunta sa shopping center ang mga OFW para bumili ng mga regalo o pasalubong bago umuwi sa Pilipinas. Mali.  Mara-ming buwan o taon ang binilang bago nabili at naipon ng OFW ang lahat ng mga laman ng dala niyang balikbayan box. Kung minsan tuloy, may OFW na nagkakaroon ng impresyon na mas nasasabik ang mga tao sa dala niyang mga pasalubong kaysa sa pag-uwi niya sa Pilipinas. Umuwi sila para makapiling ang kanilang pamilya habang nakabakasyon sila sa kanilang trabaho sa ibang bansa. Hindi ang mamigay ng tsokolate at damit.

* * *

Email- [email protected]

vuukle comment

DOLLAR

OFW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with