^

PSN Opinyon

Pasko ng Muling Pagkabuhay

DURIAN SHAKE - Edith R. Regalado - Pilipino Star Ngayon

Ngayong araw na ito ay ginugunita natin ang Pasko ng Muling Pagkabuhay ni Hesus at dala nito ang pag-asang maging maayos ang buhay nating lahat lalo na pagkatapos nating dumaan sa paghihirap dulot ng COVID-19 pandemic at ngayon naman ang sigalot sa pagitan ng Russia at ng Ukraine.

Andun at buhay na buhay ang pag-asa kahit na patuloy tayong humaharap sa anumang krisis na dumarating sa buhay natin. At nitong Semana Santa nga may 149 katao na ang namatay nang tamaan sila ng Bagyong Agaton at may higit 1.9 million katao naman ang na-displaced ng nasabing sakuna.

Sa kabila ng lahat, muli ring nabuhay ang ating mga kandidato sa halalan ngayong Mayo 9 pagkatapos nilang nagpahinga at nagninilay sa paghihirap ni Hesus upang maipakita Niya na kahit anumang hirap, anumang sakit kayang tiisin para sa pag-ibig.

Ganundin sana ang nasa puso ng ating mga pulitiko na isasapuso nila ang mga bunga ng pag-ibig ni Hesus na siyang bunga ng kanyang kamatayan bago man itong Pasko ng Muling Pagkabuhay.

At patuloy nating pagnilayan ang kahalagahan ng buhay ngayon magpahanggang kailanman.

Maligayang Pasko ng Muling Pagkabuhay!

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with