^

PSN Opinyon

Tagumpay na pinaghandaan

REPORT CARD - Atty. Ernest Maceda - Pilipino Star Ngayon

Sobrang tagal ang hinintay ng pobreng bar takers­ para makapag-exam. Sobrang bilis naman ang pag-check at paglabas ng resulta. Kahapon ay inanunsyo ng Mataas na Hukuman ang mga pumasa sa tinaguriang BBE (Best Bar Ever, Biggest Bar Ever) ng 2020-2021. Ang passing rate ay 72.28%. Sa isang licensure exam na karaniwang mababa sa 25% ang passing rate (noong 2018 lang ay 22.07%), halos 230% ang itinaas ng passing sa pamumuno ng Bar Exam Chairman, Associate Justice Marvic Leonen.

Makasaysayan itong BBE. Tinanggal ang listahan ng individual topnotchers - sa halip ay listahan ng top law schools ang ipagbubunyi. Ang karaniwang 8 subjects sa 4 na Sundays, nilimitahan sa 4 subjects sa dalawang­ araw. Ang dating tig isa o tigalawang examiner sa kada subject, ginawang tatlo. Naging 45 days ang pag-check sa halip na 4-5 na buwan.

Napilitan daw gawin ang mga repormang ito dahil sa pandemya. Baka nalilimutan nila na bago pa man suma­pit ang COVID ay nag-anunsyo na si Bar Chairman Leonen noong 2019 na oras nang yakapin ang pagba­bago at makisabay sa tawag ng panahon.

Ang pinaka-malaking hamon na tatapatan ay ang pag­daos ng exam sa iba’t ibang rehiyon ng bansa. Dati ay sa Manila lang nakasentro ang eksamen - mahigit 100 taon nang ganito ang sistema. May dahilan din ito sa­pag­kat talaga namang nasa Metro Manila ang karamihan ng law school hanggang 1980s. Kakaunti lamang ang mga law school sa probinsiya upang makapagtayo ng hiwalay na exam center. At dahil hindi pa hinog ang tekno­lo­hiya, baka pagmulan pa ito ng leakage.

Dumami na ang law school sa bansa at dumami ang bar takers sa probinsya na agrabyado sa pagkuha ng bar exam sa Metro Manila. Unang dekada pa lang ng 2000s ay maisisiguro na sana ang integridad ng exam kahit ganapin din sa Visayas at Mindanao. Subalit walang naglakas loob,  sa kabila ng walang humpay na pakiusap ng mga law school. Pinaghandaan na ito ng Supreme Court 2019 pa kung kaya nang napilitang gawin itong regional dahil sa COVID, nakahanda na silang harapin ang pagbabagong kakailanganin.

vuukle comment

BAR EXAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with