^

PSN Opinyon

Lisensiya ng 14 baril ni Abra Vice Mayor Disono, revoked na!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

SOBRANG kamalasan ang inabot ni Pilar, Abra Vice Mayor Jaja Josefina Disono matapos maengkuwentro ng mga bataan niya ang kapulisan sa checkpoint noong Marso 30. Maliban sa nalagasan ang kampo niya ng PAGs, samu’t saring kaso pa ang aabutin niya at asawang si Noel. Matapos ang standoff sa Pilar town, naaresto ng mga tauhan ni Cordillera police director Brig. Gen. Ronald Lee ang 12 PAGs at nakumpiska sa loob ng compound ang 14 na armas.

Hindi maintindihan ni Gen. Lee kung bakit kumuha pa ng PAGs ang kampo ni Disono at kapatid na si Mayor Mark Roland Somera dahil ang mahigpit nilang katunggali na si Tyrone Beronia ay pinsan-buo nila at wala namang alagang private army. Dahil sa pitsa kaya? Sinabi ni Gen. Lee na si Pilar ay may share sa R.A. 7171 o tobacco industry na aabot sa P1.7 bilyon kaya siguro nagkagulo ang mga pulitiko roon. Dipugaaaaa! Hak hak hak! Hayan, kayo na maghusga kung ano ang ugat ng kaguluhan sa Pilar, Abra mga kosa. Mismooooo!

Sa ngayon, abala na si Brig. Gen. Alden Delvo, ng Fire­arms and Explosives Office para i-revoke ang lisensiya ng mga baril na nakumpiska sa compound nina Mayor Somera at kapatid na Vice Mayor Disono. Ayon kay Gen. Lee ang mga baril ay naka-pangalan kina Disono at asawang si Noel. Kasalukuyang nasa custody ni Col. Maly Cula, ang PD ng Abra ang mga baril, samantalang ang 12 PAGs ay nasa pangangalaga ng Army, ani Gen. Lee.

Sinabi ni Gen. Delvo na ang revocation ng license ng mag-asawa ay naghihintay na lang ng pirma ni PNP chief Gen. Dionardo Carlos. Kapag na-revoke na ang license ng mag-asawa ang ibig sabihin isusuko nila ang kanilang “right to own and possess firearms.” Subalit kinlaro ni Gen. Delvo na puwede namang mag-apila ang mag-asawa at uupuan ito ng FEO board. Dipugaaaaa! Hak hak hak! Teka nga pala, paano naman ang mga baril ni Mayor Somera? Kailangang ma-revoke rin, ano mga kosa?

Kung sabagay, kinasuhan si Mayor Somera at Vice Mayor Disono ng violation of R.A. 9208 as amended by RA 10364 o ang Expanded Trafficking in Persons Act.

Serious Disobedience to an Agent of a Person in Authority naman ang isinampa laban kina Robert Boreta Toreno, 27, at Emmanuel Nicanor Valera, 26,na kapwa LGU personnel, Jericho Toreno Bufil, 29, helper ni Disono. Si Bufil ay haharap din sa kasong attempted murder. “The cases filed are the product of the evidence and testimonies that our police investigators were able to gather. Those involved individuals will be made to submit themselves to the judicial proceeding,” ani Gen. Carlos. Hak hak hak! Gagamitin t’yak ni Beronia na isyu itong standoff laban kina Somera at Disono kaya goodbye na lang sa political carreer nila. Abangan!

vuukle comment

CHECKPOINT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with