^

PSN Opinyon

Hinahanap-hanap kita

REPORT CARD - Atty. Ernest Maceda - Pilipino Star Ngayon

Naging palaisipan ang tahasang pagtanggi nina Senador Bongbong “BBM” Marcos, Jr. at Mayor Sara Duterte na makilahok sa Comelec sponsored debates. Para sa mga sektor ng lipunan na hindi pa kumbinsido sa mama­nuking kandidato, sinusubukang unawain itong pagtalikod ng dalawa sa pagharap sa bayan kasabay ng kani­lang mga katunggali.

Malaki rin ang porsyento ng lipunan na okey lang sa kanilang desisyon. Maging sa mga survey, kung hihimayin ang mga desidido na sila sa kanilang pinili, pagdating sa BBM-Sara votes, ang nabasa ko’y halos 80% ang hindi na magbabago ang isip. Ang mga ito ay do-or-die na boto na hindi na iniinda ang desisyong sasali o hindi sa Comelec debate. Batay sa mataas na rating ng dalawa, tinatayang mapangangatawanan pa rin ang kanilang lamang hanggang sa araw ng halalan.

Habang ang mga kalaban ay nakikipag-debate, hindi naman nagpapakasasa ang dalawa at wala ring pag-alin­tana sa kanilang pagpupursigi sa kampanya. Kung ang kapwa kandidato ay may libreng publicity sa pagtindig­ sa entablado ng Comelec, masuwerte sila. Ang papel talaga ng Comelec pagdating sa pagkampanya ay ang subu­kang mabigyan ang lahat ng patas na pagkakataon mangampanya o maihatid ang kanilang mensahe.

Katulad ng sa poster at tarpaulin, basta makapagtayo ng common poster area kung saan lahat ay puwedeng maglagay, tapos na ang obligasyon ng Comelec. Ganon din sa Debate – nagbigay na sila ng lugar at okasyon, nasa kandidato na kung sasamantalahin niya ang pagkakataon. Kawalan na ni BBM at ni Mayor Sara sakaling sila ay tumanggi.

Ngayon, may nagpapanukala na magpataw ng parusa o diskuwalipikasyon sa mga hindi makikilahok. Sa tutoo lang, alam natin ang pinanggagalingan ng hinaing na ito. Subalit sa palagay ko ay mahirapan itong depensahan kung kuwestyunin. Sa ilalim ng Saligang Batas, bilang na bilang ang kuwalipikasyon para sa nais na manilbihan. Hindi nakatakda ang rekisito na kailangan sumali siya sa debate upang payagang mahalal.

vuukle comment

COMELEC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with