^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Hindi dapat masayang ang bakuna sa COVID

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Hindi dapat masayang ang bakuna sa COVID

Nasa 65.25 milyong Pinoy pa lamang ang fully vaccinated. Target ng pamahalaan na mabakunahan ang 70 percent ng mga Pinoy pero hanggang ngayon wala pa sa kalahati ng populasyon ang nababakunahan. Marami pa ang hindi nakakatikim ng first dose at may naghihintay para sa second dose. Ang mga naturukan ng booster shots ay 13 per­cent pa lamang.

Habang marami pa ang hindi nababakunahan, pinag-aaralan na ng Department of Health (DOH) kung bibigyan na ng second booster shots ang front­liners, senior citizens at mga may comorbi­dities. Ayon sa report, posibleng magbigay ng second booster sa Abril.

Mula nang magluwag sa restrictions noong Peb­rero, bumaba ang bilang ng mga nagpapabakuna. Kahit nagkaroon ng tatlong araw na national vaccination day noong Marso 3-5, mababa ang bilang ng mga nagpapabakuna. Sinabi ng health experts na hindi dapat magrelaks ang mamamayan sapagkat nasa paligid pa ang virus kaya nararapat na magpa­bakuna. Ang pagluluwag ay hindi ibig sabihin na huwag na ring magpabakuna sapagkat wala nang virus. Hindi pa nawawala ang virus at katunayan, maraming bansa ngayon ang nagkakaroon ng surge ng COVID-19.

Sa Shanghai, China, naka-lockdown doon dahil sa pagdami ng kaso. Mas marami pa ang kaso ngayon kaysa noong 2020 na unang kumalat ang virus. Nag-panic buying ang mga tao roon dahil sa big­lang pag-aanunsiyo ng lockdown.

Nakakaalarma naman ang sinabi ng DOH na maraming COVID vaccine ang mae-expire sa Hunyo. Nararapat kumilos ang pamahalaan para hindi masayang ang mga bakuna. Inutang ang pambili ng mga ito at pagkatapos ay masasayang lang. Magkaroon muli ng ilang araw na national vaccination day para naman hindi masayang ang bakuna. Hikayatin ang mga tao na magpabakuna.

Bawat patak ng bakuna ay mahalaga kaya hindi dapat masayang nang basta-basta. Dalhin sa mga lugar na marami pang hindi nababakunahan upang hindi mawalan nang halaga. Ayon sa report marami pa sa probinsiya sa Bangsamoro region at iba pang liblib na lugar sa Visayas ang hindi pa nababakunahan.

vuukle comment

PINOY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with