^

PSN Opinyon

Cong. Teves, ilalagay ko ang angas mo sa tama!

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

Usapang ama sa ama sana ang pakay ng BITAG nang tawagan ko si 3rd District Negros Oriental Congressman Arnulfo “Arniel” Teves.

Itinuturo kasi ng biktima at nagrereklamong guwardiya ang kanyang anak na si Kurt Matthew Teves na nasa nag-viral na video kamakailan. Ang reklamo, pambubugbog, pag­papaluhod at panunutok ng baril sa pobreng security guard ng subdivision. Kaso, ang aking disenteng pagtawag nauwi sa pag-aangas ni Cong. Teves.

“I don’t know why they are trying to hype that in the media…I think it is politically motivated… trying to hit on me and my son.”

Eto kaagad ang sagot ni Cong. Teves sa akin nang iparating ko na itinuturo ang kanyang anak ng biktima. Ina­min niyang nakaabot na sa kanya ang video at napanood na ito. Siya raw kasi mismo, naka-experience ng kabas­tusan ng mga security guard ng subdivision. Kulang raw sa training ang mga sekyu na naka-duty doon.

Aniya, huwag umanong i-judge ang kanyang anak dahil hindi naman mabubugbog ito ng walang dahilan — holy cow! Kaya ibinalik niya sa akin ang tanong kung may mambastos­ sa akin, anong gagawin ko. Sagot ko — nunka akong nanakit ng maliliit na tao.

Kalmado pa akong nakikinig sa kanyang mga “kaning-baboy” na pinagsasabi, sinubukan kong ipaliwanag sa mambabatas kung ano ang kanyang puwedeng magawa bilang ama. Lalo itong nagalit, naghamon na magsampa na lang ng kaso ang biktima kung may akusasyon ito.

Dito magaling ang kahit sinong talpulano na abusado — magsampa kayo ng kaso. Alam kasi nila na kapag dinala sa hukuman ang reklamo ng agrabiyado, hahaba at maaaring mauwi sa wala ang sinapit ng biktima — trabahong trapo!

Nagpanting na ang taynga ko nang magsimula nang mag-name drop si Congressman. Kaibigan niya raw ang kuya kong si Mon at anak nito at maging si Tol Raffy.

Anong pakialam ko Cong. Teves kung kaibigan mo mga kapatid ko? Iba ako, si Ben Tulfo at sa programa ko sinumbong ang pang-aabuso ng anak mo. Wala akong pakialam sa inaatungal mo na politically motivated ang sumbong na ito dahil may biktimang nagrereklamo dito. Putres yang eleksiyon na inuna mo kaysa sa kapakanan ng nagrereklamo.

Hindi ako katulad ng ibang media na matapos mag-viral ang video ay basta ibinalita lang at takot kayong pangalanan. Ibahin mo ko Cong. Teves, disente akong tumawag sa’yo pero nakipagsubukan ka. Kaya, wala akong pakialam kung sino sa mga Tulfo ang kaibigan mo. Walang personalan, walang pulitika, trabaho lang!

vuukle comment

BITAG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with