^

PSN Opinyon

Strike anywhere

REPORT CARD - Atty. Ernest Maceda - Pilipino Star Ngayon

Natutuwa ako sa mga diskurso ng kandidato ng major political groupings. Sa senatorial campaign, mas natututukan ng media ang mga personalidad na kilala at may pangalan na.

Ang pagsalita nila sa entablado ay wala namang naidaragdag kaalaman tungkol sa kanilang plataporma at paninindigan. Gaano man sila kagaling ay hindi rin magandang sukatan ang sandali nilang pagtatalum­pati. Kung interesado ang botante sa kandidato, mas sa pahayagan o sa internet official candidate’s website o facebook page mababasa ang kanyang plano para sa bayan.

Subalit marami pa rin sa atin ang hindi magtitiyagang hukayin ang makikita sa dokumento. Sa political advertisement pa rin aasa, sa mga balitang maririnig o mapapanood sa telebisyon, radyo o social media, sa diyaryo, at – kung sakali – sa sandaling talumpati nga sa mala­laking pamiting o sa debate na sasalihan.

Suwerte kung mapukaw ang damdamin ng botante. Malas din kung ang epekto ng sandaling exposure ay maging negatibo pa para sa iyo.

Kung kaya iba’t ibang klaseng gimik ang ginagamit ng mga bagito. Mabuti pa ang mga batikan, dahil kilala na, hindi na mahalaga magpakilala. Subalit ang mga bagong salta, nariyan ang pagsayaw, pagpapatawa at pagkanta­. May iba, “bomba” o paninira sa nakapuwesto ang kani­lang panorpresa.

Sa lahat ng ganitong istilo, ang kinagigiliwan ay ‘yung mapapatigil ka dahil sa paghanga. At sa lahat ng napanood kong first timer sa senatorial campaign, wala nang mas gagaling pa kay Gibo Teodoro.

Si Gibo ay tubong Tarlac subalit natutunan nito ang halos mayorya ng dialect ng Pilipinas mula pa sa kanyang pagkabata.  Pinakikinggan ko ang kanyang speech sa Ilocos eh nasabayan ng kanyang pag-Ilokano ang mga tagaroon mismo. Kapag nasa Negros, purong Ilonggo ang salita sa entablado. Sa Cebu o Davao, diretsong Bisaya. Sa Pampanga, kapampangan at iba pa.

Ang laking tulong ng kandidatong nauunawaan ka at naiintindihan mo naman – maging ano man ang salita mo. Itong galing ni Gibo sa halos lahat ng dialect ng Pilipino ang isa sa magandang regalo sa atin ng kampanya.

vuukle comment

DEBATE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with