^

PSN Opinyon

Tobacco growers sa Isabela, nabayaran na!

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

Kapag gumawa ka nang tama, pupurihin kita. Kapag gumawa ka ng mali, lalo na’t magsasaka ang inapi’t inabuso, talagang malilintikan ka.

Sa wakas, ang hinihintay na ipinangakong “allowance” ng Universal Leaf Philippines sa tobacco growers na kani­lang kinontrata, nabayaran na.

Last week, kinumpirma ng mga magsasakang nag­reklamo sa BITAG na naibigay na ang kabayaran sa kani­lang pinagpaguran. Kung hindi pa uupakan, hindi pa maibi­bigay sa mga pobre ang dapat para sa kanila.

Huwag naman sana laging ganito ang eksena para sa mga Pilipinong magsasaka. Huwag nang umabot sa puntong kailangan nilang manikluhod sa kinauukulan at sa kung sinong may kapangyarihan para lang makuha ang kanilang kabuhayan.

Dahil hinding-hindi magsasawa ang BITAG na ipagtanggol at asistehan ang mga magsasakang inabuso, oras na lumapit sila sa aming tanggapan.

Tigil na ang kalampagan at nagising na mula sa mahimbing na pagkakatulog sa pansitan ang mga awtoridad na dapat noong una pa lang, kumilos na.

Maraming salamat sa munisipyo ng Angadanan, Isabela, sa Philippine Tobacco Administration at lalo na sa Universal Leaf Philippines. Masayang-masaya ang mga magsasakang hinarap n’yo.

Tapos na ang BITAG sa sumbong na ito.

Next: Kayo riyan sa Sky Ranch sa Busuanga, Palawan, mga sagradong baka kayo ha! Paulit-ulit nang sini­sira ng mga alaga n’yo ang kabuhayan ng mga magsasaka pero patay-malisya pa rin kayo?! Humanda kayo sa hambalos ng BITAG!

vuukle comment

BITAG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with