^

PSN Opinyon

Makati, patuloy na sumusuporta sa sister cities at municipalities

#PROUDMAKATIZEN - Abby Binay - Pilipino Star Ngayon

UMABOT na sa 31,000 doses ng COVID vaccine ang na­ipamahagi ng pamahalaang lungsod ng Makati bilang donasyon sa limang lokalidad na bahagi ng aming sister­hood program.

Binigyang-prayoridad namin ang mga sister-cities at municipalities sa pagbibigay ng libreng COVID vaccines upang matulungan silang makabangon mula sa krisis.

Noong Miyerkules, naibigay na ang 13,000 doses ng AstraZeneca vaccine para sa lalawigan ng Batangas sa isang turnover ceremony na dinaluhan ni Vice Governor Mark Leviste sa City Hall. 

Naibigay naman nitong Huwebes ang 2,000 doses sa Malabon.

Nauna rito, naibahagi ng lungsod ang 5,000 doses sa Urda­neta, Pangasinan, 1,000 doses at syringes sa Cuenca, Batangas, at 10,000 doses sa Batac, Ilocos Norte.

Ngayong araw, magbibigay din kami ng 2,800 doses ng bakuna sa Malvar, Batangas.

Napakahalagang mabigyan ng mas maraming doses ng bakuna ang mga bayan at lalawigan sa labas ng Metro Manila, lalo na ‘yung mga kulang pa ang natatanggap na bakuna mula sa pambansang pamahalaan. Kapag mas maraming residente at empleyado ang mabakunahan sa mga nasabing lugar, mas mabilis nilang maaabot ang herd immunity. Patuloy ding bababa ang mga kaso at liliit ang tsansang magkahawa-hawa ang mga indibiduwal sa kani­lang komunidad.

Napakalaki ng maitutulong nito sa pagbangon ng kani-kanilang ekonomiya, na makakapagpabilis naman sa muling pagsigla ng pambansang ekonomiya. 

Mayroon nang 549 sister LGUs ang Makati sa ngayon. Bukod pa ito sa 23 na lungsod at bayan sa ibang bansa na may sisterhood agreement ang lungsod.

Nagsimula ang sisterhood program noong panahon ng aking ama, si dating Vice President at Makati Mayor Jojo Binay. Sa kanyang pananaw, hindi dapat na ang mga mayayamang siyudad o komunidad lamang ang magtamasa ng pag-angat sa buhay at umunlad.

Mayroon tayong responsibilidad na tulungan at alalayan ang mas maliliit nating kapatid sa ibang lugar. Ito ay isang paraan ng pagpapasalamat para sa lahat ng biyaya at magagandang bagay na ating nararanasan bilang isang progresibong lungsod.

Sa mga nagdaang taon, naging maagap sa pagtulong ang Makati sa mga sister-localities na nasalanta ng bagyo, baha, lindol at iba pang kalamidad.

Noong 2020, nagpadala ang Makati ng mga kagamitan at sasakyang pantugon sa kalamidad patungong Bauan, Batangas. Ito ay upang matulungan ang libu-libong evacuees mula sa mga lugar na inabot ng pagsabog ng Bulkang Taal. 

Nakapagbigay din ng relief at financial assistance ang lungsod sa mga sister LGUs na nasalanta ng Typhoon Tisoy, Typhoon Nina, Typhoon Frank, malalakas na lindol, at iba pang kalamidad. 

Patuloy po tayong tutulong, aalalay, at susuporta sa pangangailangan at mga programa ng ating mga kapatid na LGU. Pangarap namin na balang araw ay maabot din nila ang pag-asenso at pag-unlad na tinatamasa ngayon ng ating mga Proud Makatizen.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with