^

PSN Opinyon

BBM-SARA tandem, paano tatalunin?

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

Pamilyar ang mga Pilipino, lalo na ang mga kaedaran ko sa mga salitang guns, goons and gold.

Sa mga pelikula, eto ang estratehiyang ginagamit ng mga political lords, war lords, gambling lords, pati na mga drug lords.

Ibang uri ng makinarya ‘to. Ibig sabihin, takutin mo, brasuhin mo at bayaran mo para magtagumpay sa kanilang gawain.

Ito raw ang unang estratehiyang puwedeng pantapat sa BBM-SARA tandem, para malusaw.

Strategy No. 2, kanyon. Habang malayo pa ang botohan­, kailangang bombahin ng mga istorya ng kalagiman na naka­sulat sa aklat ng kasaysayan.

Idikdik sa kukote ng mga botante ang mga kuwento ng karahasan, pagmamalabis, pang-aabuso at pagkitil sa mga pobreng mamamayan noong panahon ng martial law.

Para mas malakas ang impact, andiyan naman ang mga “friendly media” na katuwang sa pagpapakalat ng balita.

Sakaling hindi pa rin umubra, may strategy number three pa. Ang paggamit ng mga legal na proseso. Hana­pan ng butas at sampahan ng kaliwa’t kanang kaso, mag­petisyon sa pamamagitan ng disqualification cases.

Eto ang estratehiyang psychological warfare kung tawagin. Sirain ang kamada at diskarte, baka sakaling magalit at magsalita na sa bagong isyu.

Prinsipyo ng estratehiyang ito, create one, improvised. Gagamitin ang mga salitang lalabas sa kanyang bibig mismo.

Ito ay kung sasagot siya. Kung tahimik pa rin, tuloy lang sa pangingisda, fishing expedition o ‘di naman kaya, diretso sa tinatawag na final move.

Paggamit ng takip-silim, under the cover of darkness. Tandaan, ang kasamaan ay nasa kadiliman, takot sa liwanag.

Kapag nakatulog ang mga nasa likod ng makinarya at napahimbing ang mga botante, de javu! Will history repeat itself para kay Bongbong?

Nga pala, ang mga estratehiyang ito ay ayon kay Mang Igme na asawa ni Aling Pukring.

Fact or fiction?

vuukle comment

BONGBONG MARCOS

SARA DUTERTE-CARPIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with