^

PSN Opinyon

Umpisa na ng siraan

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

KALAKARAN na sa pulitika ang siraan habang papalapit ang eleksyon. Tunay na walang forever sa mga puli­tiko­ kahit mismong kapartido nila ay sinisiraan upang makuha ang inaasam na puwesto. Kung sino ang may magandang record sa pamamalakad sa pamahalaan ay siya ang puntirya ng mga intriga upang mahikayat ang madlang people na mailuklok sila sa puwesto sa May 2022 election. Subalit kahit na ano pang nakaririmarim na intriga ang inaakusa sa kalabang pulitiko, patuloy pa rin nilang ginagampanan ang kanilang sinumpaang tungkulin sa mamamayan na nagluklok sa kanila.

Halimbawa na lamang ay ang walang puknat na mga intriga kay Manila mayor Isko Moreno. Samu’t sari ang mga intriga na ibinabato kay Isko na tatakbong presidente sa 2022 elections.  At asahan na sa mga susunod na araw ay mas lalo pang lalala ang pagbato ng putik kay Isko. Siya ang magiging sentro ng kung anu-anong intriga para makaungos sa kanilang laban. Pero gaya ng una nang nasabi ni Isko sa kanyang mga tagasuporta, hindi madidiskaril ang kanyang trabaho at pagbibigay ng serbisyo kahit pa iniintriga.

Sabi nga ni Isko sa nakaraang interbyu, “Tuloy ang gobyerno sa Maynila.  We’re still here. I’m going to have to do what I have to do as the Mayor.”  

Totoo naman ang sinabi niya dahil wala pa ring patid ang pagbibigay ng maayos na serbisyo sa Maynila. Ramdam na ramdam pa rin ng mga Manileño ang presensiya ni Isko. Siyempre nga naman, kung tatakbo kang presidente, hindi puwedeng naroon ka lang sa lugar mo. Kailangan mong umikot sa iba’t ibang panig ng bansa at alamin ang damdamin at pulso ng publiko, kasama na riyan ang panliligaw sa mga botante.

Pero tiniyak ni Isko na sa ngayon ang prayoridad pa rin niya ay mapagsilbihan ang Manileño lalo pa sa panahong ito na may pandemya. Tuluy-tuloy ang laban ng Maynila kontra COVID-19 habang ang ibang pulitiko ay nakapokus na sa darating na election. At isa sa maipagmamalaki ni Isko ay ang bilang ng kanyang mga kababayan na nabakunahan at ang pagbabakuna na rin sa mga kabataan. 

“Maaring nabakunahan na natin ang mga may edad, pero paano ‘yung mga bata? Wala namang science na nagpapatunay na hindi sila maiimpeksyon,” sabi ni Isko. “Kaya kailangan na talaga natin silang bakunahan. More than the protection that they’re going to get, ito ay para makabalik na sila sa eskuwelahan,” sabi pa niya.

Kaya mag-isip-isip na kayo ng ibobotong presidente. Sa panahon ngayon na lugmok ang ekonomiya dahil sa COVID-19, dapat maging mapanuri sa isusulat sa balota.

vuukle comment

ELEKSYON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with