^

PSN Opinyon

Ihalal ang tunay na may malasakit

GO NORTH - Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

Bagamat hindi pa nag-uumpisa ang campaign period, ramdam na natin ang election fever. Kabi-kabila ang election surveys na isinasagawa. Mayroong kanya-kanyang manok na malamang ang bawat isa sa atin.

Sa mga nag-iisip pa, mahalaga na makapamili tayo ng lider na may tunay na malasakit sa bansa at sa mga kababayang Pilipino.

Piliin natin ang lider na subok na sa pakikisalamuha, may simpatiya at malasakit sa mga daing ng karaniwang tao.

Sa dinami-dami ng pulitikong nanliligaw ng ating boto, dapat nating suriing mabuti ang intensiyon nila sa pagtakbo. Dapat din nating aralin ang mga plataporma nila at adhikain para sa bansa.

Tiyak na naglipana na ngayon ang mga pala-ngiti, pala-bati at pala-kamay sa mga tao.  Ngunit matapos mahalal at maluklok sa pwesto, kabaliktaran na ang asal.  Hindi mo na makita ni anino.  “Can’t be reached” na dahil “super rich” na.  Ang mga ganito’y hindi dapat iboto!

Marami rin diyan ang kung alipustain ang mahihirap ay akala mo hindi tao kung ituring. Ngunit ngayong election season, sinasabi nila na nanggaling daw sila sa mahirap na sektor at alam nila ang hirap ng nangangalam ang sikmura dahil sa gutom.

Napakarami rin ang “nagli-lip service” (hanggang salita lang) ngayon ng mga hinaing ng nakararami sa pabahay, lupang sakahin, trabaho, o mga karapatang pantao.  Ngunit kung babalikan mo sa tanang buhay niya’y ni hindi man lang nakatapak sa lupang sakahan, nagbanat-buto, at sila pa ang nangunguna sa panawagan na buwagin ang mga nagmamartsa o nakikibaka para sa karapatang pantao.

Kung ang kandidato’y kasalukuyang nakapuwesto at nagnanais na magpatuloy sa panunungkulan, suriin kung paano niya ginampanan ang kanyang tungkulin at kung paano siya tumugon sa mga mahahalagang isyu na nakaapekto sa mamamayan.

Kung ang kandidato nama’y baguhan sa larangan ng pamumuno, pakinggan natin ang kanyang plano kung tunay bang may malasakit siya sa bayan.

* * *

Para sa suhestiyon:  [email protected]

vuukle comment

ELECTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with