^

PSN Opinyon

Katangahan, kabalbalan, kapulpulan sa namaril na kagawad sa Laguna (Part 3)

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

SA una at ikalawang bahagi ng column na ito, na-exposed ang kapulpulan ng Calauan, Laguna police sa pag-iim­bes­tiga sa krimeng kinasangkutan ng barangay kagawad na si Teofilo Alcantara Umali. Positibong kinilala ng mga biktima ang suspek, pero ilang oras matapos ang pamamaril pina­kawalan din ng Calauan police. 

Kaya ngayon ang suspek na kagawad, malayang naka­kagala samantalang ang biktima ay patuloy pa ring naki­kipag pantintero sa karit ni kamatayan.

Habang gumagala ng palihim, may pangalang kinakaladkad at ipinagmamalaki ang suspek na kagawad. Lumu­tang ang pangalan ni Col. Kirby John Brion Kraft na umano’y bilas ng namaril na kagawad. Sa mga mensaheng natanggap ng BITAG, kaya umano malakas ang loob at hayagan ang paggawa ng krimen ni Umali ay dahil sa kanyang mabigat na padrino.

Para sa patas na pamamahayag, tinawagan ng BITAG si Kraft. Tumanggi itong magpa-interview sa BITAG sa ere.

Bagama’t hindi pinasinungalingan ni Kraft na bilas niya o kakilala si Umali, hindi niya rin kinumpirma ang relasyon sa suspek. Sa tono, tila buwisit pa si Kraft sa pagsagot sa aming mga katanungan. Wala raw siyang kinalaman sa mga pinaggagagawa ni Umali kaya huwag daw kalad­karin ang kanyang pangalan.

Wala rin daw kinalaman si Kraft sa nangyaring barilan dahil dalawang taon na siyang namamalagi sa Davao. Malayo raw ang Laguna sa Davao, bakit daw nadadawit ang kanyang pangalan. 

Colonel Kraft, hindi kami ang kumaladkad sa pangalan mo kundi ang putok sa buhong suspek na ipinagyaya­bang ka. Simple lang naman sana, oo at hindi, kilala o hindi, may pakialam o wala kang pakialam. Imbes sana nagsuplado ka, nagpasalamat ka sana kahit very light dahil na­ipaabot namin sa’yo ang pagkaladkad sa pangalan mo. Tinatanggap ng BITAG ang sagot mo, maaaring ayaw mong madamay sa sumbong.

Kaya ko namang tapatan ang pagsusuplado mo, pero hindi pa tayo mismo nagkakausap. Mga tao ko pa lang ang nakakuha ng panig mo kaya siguro naliliitan ka kaya ka nagtataray sa telepono. Hintayin mo ang tawag ko at mag-uusap tayo. Bibigyan kita ng puwang, dahil maaring nakakaladkad ang iyong pangalan na hindi mo alam na dapat malaman mo.

I’m doing you a favor Colonel Kraft, to let you know that your name is being dragged. Plain and simple. 

Wala lang yabangan at angasan. Kasi kung angas ang pag-uusapan, puwede akong maging mas maangas kaysa sa’yo.

vuukle comment

SHOOTOUT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with