^

PSN Opinyon

Handog sa Kabataang Makatizens: Cash incentives, new uniform, atbp.

#PROUDMAKATIZEN - Abby Binay - Pilipino Star Ngayon

Nakakataba ng puso ang ipinakitang pagpapahalaga sa edukasyon ng 7,019 graduates sa Grade 6 at 4,137 graduates sa Grade 12 nitong katatapos na school year. Alam naming hindi biro ang kanilang ginawang pagsusumikap sa gitna ng pandemya. Dahil dito, nagbigay ng insentibo ang pamahalaang lungsod para sa kanilang lahat, hindi lamang sa mga nagtapos nang may karangalan.

Gamit pa rin ang GCash na napatunayang ligtas at mabilis na paraan ng pagbahagi ng pinansyal na tulong o benepisyo, ipinapadala namin ang insentibo ayon sa sumusunod: With highest honors, P5,000; With high honors, P3,000; With honors, P2,000; lahat ng iba pang graduates, P1,000.

Tiyak namang matutuwa ang mga mag-aaral sa public schools ng Makati sa pagsisimula ng bagong school year sa Setyembre dahil sa inihandang mga bagong uniporme at kagamitan ng pamahalaang lungsod para sa kanila.

Ibang-iba sa dati ang mga disenyo ng mga ipamimigay sa kanilang mga school uniform at P.E. outfit, rubber shoes, at bags, at may nakalaan pang espesyal na caps para sa Kinder at rain jackets para sa Senior High School.

Ang mga Grade 1 at Grade 4 naman ay bibigyan ng customized heavy duty Rondeseru-style elementary bags na dinisenyo para magamit ng tig-tatlong taon sa primary (Grade 1 hanggang 3) at intermediate (Grade 4 hanggang 6). Classy backpacks naman ang matatanggap ng mga junior high school.

Bukod sa mga nabanggit, makakatanggap din ang mga mag-aaral sa lahat ng antas, kabilang ang mga nasa Special Education (SpEd) at Alternative Learning System (ALS), ng libreng school supplies, black shoes at medyas. Alam kong sabik na rin silang makita ang pinaka-aabangang “AB 4.0” rubber shoes, na ika-apat nang version ng rubber shoes na unang binansagang “Air Binay” sa social media.

Bigay-todo ang mga benepisyong aming inihanda para sa school year na ito, katuwang ang Department of Education-Makati, bilang bahagi ng Learning Continuity Plan na aming binuo  para masigurong walang mag-aaral na Makatizen ang mapag-iiwanan ngayong pandemya. Naniniwala kaming mas gaganahan at kasasabikan ng mga estudyante ang online classes at pagkatuto gamit ang printed learning modules at videos na nakapaloob sa On-The-Go USB, dahil sa magagandang gamit na matatanggap nila.

Kung sakali mang bumuti ang sitwasyon at maibalik na ang face-to-face classes, mayroon na silang sapat at akmang kagamitan. Siniguro din namin ng DepEd Makati na anumang oras na muling buksan ang mga paaralan, mapapanatiling ligtas ang mga mag-aaral, mga guro at lahat ng mga pumapasok. Bawat public school sa Makati ay nalagyan na ng face recognition thermal scanners at crowd control system. Plantsado na rin ang health protocol system na kaagad matutukoy sa entry point ang may sakit na estudyante at mabibigyan ito ng kaukulang medical care.

Sa loob ng paaralan, may hands-free automatic dispensers for alcohol, hand sanitizers at handwashing facilities. Binibigyan din ang bawat estudyante ng hygiene kits na naglalaman ng vitamins, sanitizer, germicidal soap at hand towels. Lahat naman ng mag-aaral sa elementarya ay binibigyan ng anti-dengue kits na may lamang mosquito repellant lotion at anti-mosquito bracelet para may proteksyon sila sa paaralan man o sa bahay.

Ang lahat ng aspeto ng pag-unlad ng Kabataang Makatizen ay tinututukan ng pamahalaang lungsod, at naniniwala kaming ang mataas na kalidad ng edukasyon ang magbibigay-daan sa kanilang tagumpay bilang indibidwal at bilang mamamayan.

vuukle comment

GCASH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with