^

PSN Opinyon

Natauhan sa Amerika

REPORT CARD - Atty. Ernest Maceda - Pilipino Star Ngayon

Sa gitna ng pinagdaraanan nating kalbaryo sa COVID-19, hindi pa rin natin mapigilang manlambot, manlumo at maki­ramay sa Afghanistan sa pinagdaraanan nilang marahas na pagpalit ng pamunuan.

Matapos ang halos 20 taon na occupation at reconstruction ng U.S. military forces sa bansang ginamit na headquarters ng Al Qaeda ni Osama bin Laden, hindi na rin napangatawanan ng Amerika ang patuloy na manatili sa bansa. Ang pakay nila sa simula ay siguruhin na hindi na muli magamit ang Afghanistan sa terrorist strikes laban sa Amerika. At upang gawin ito ay tumindig sila’t nilabanan­ ang puwersa ng kilusang Taliban na nagbabadyang mag-take over sa Afghanistan.

Bago pa nangyari ang 2001 9/11 attacks, nasubukan na rin ng Soviet Union na pasukin ang Afghanistan noong 1979. Dahil din sa kumprontasyon sa pagitan ng mga insurgent groups, na tumakbo rin sa US, China at iba pang bansa sa kanluran para sa resbak, nakialam ang noo’y USSR upang itaguyod ang gobyernong pinatatakbo ng lokal na partido komunista. Sampung taon din ang itinagal.

Malinaw na wala na sa interes ng mga Amerikano na patuloy pang tumayong bantay sa Afghanistan habang mahigit 3,000 nang sundalong Amerikano ang namamatay. Idagdag pa ang bilang ng mga nangamatay sa peacekeeping forces ng ibang bansa at ang mahigit $2 trillion na nagastos na. Marahil ay hindi na praktikal para sa Amerika na managot pa rin para sa lahat. Gusto man nating isipin na lagi itong matatakbuhan para sa kalinga, nahimasmasan tayo ng kabanatang ito na mag-ingat tayo sa ekspektasyon.

Hindi ginusto ng mga Amerikano ang mga teribleng eksenang napapanood natin sa news at social media. Mismong ang mga Afghan government ang sadyang sumuko na lamang at ni hindi nanindigan laban sa Taliban. Subalit hindi rin masisisi ang mundo kung pagdudahan mula ngayon ang Amerika. Imbes na bansang kuma­katawan sa mga ideya ng kalayaan at pakikiisa laban sa karahasan, katulad din ito ng karaniwang bansa na uunahin ang sariling interes kapag magkaipitan.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with