^

PSN Opinyon

Magkanong nawawaldas sa giyera bawat taon?

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Sampung trilyong dolyar, o limang-daang trilyong piso. ‘Yan ang naaksaya sa mga digmaan kung saan-saan sa mundo bawat taon nitong nakaraang limang taon.

Isipin na lang na ang gastusin ng pambansang gobyerno ng Pilipinas ngayong 2021 ay limang trilyong piso lang. Pangsuweldo ‘yon sa mga kawani, pang operasyon at mentena, imprastruktura, at bayad-utang. Pero sa mga digmaan isang daang ulit nu’n ang nawawaldas.

Dalawang bilyong tao ang naiipit sa mga giyera -- isa sa bawat apat na nilalang. Kabilang ang mga bata, uugud-ugod, buntis at maysakit. Walang pinapatawad. Kahit sino maaring malumpo, mapatay.

Ang $10 trilyon ay 13% na ng produksyon ng mundo kada taon. Katumbas ‘yon ng P200 araw-araw bawat isa sa 7.9 bilyong tao.

Kung hindi nasasayang sa giyera, ang dami na sanang bahay ang naipatayo, patubig at pananim na napalago, at kabuhayang napatatag. Mapapawi nu’n ang gutom, malubhang sakit at kamangmangan.

Sa halip, napunta sa bomba, baril, pulbura, gulok at armas na kemikal. Kasama pa ang pagpapatayo ng evacuation camps, pagpapakain ng refugees, pagpapagamot ng mga sugatan, at pangsweldo sa United Nations peacekeeping forces at aid workers.

Ang limang permanenteng kasapi ng UN Security Council ay sangkot sa mga giyera. Pinagkikitaan ng America, Britain, France, Russia at China ang sigalot at kamatayan. Sila ang supplier ng armas, fighters, bombers, attack helicopters, tangke, kanyon, warships, submarines, at teknolohiyang pandigma.

Pinaka-malala ang America. Wala siyang declaration of war laban sa sino mang bansa. Pero sangkot siya sa digmaan sa 76 na bansa, 40% ng UN General Assembly. Nambobomba siya kada 12 minuto.

* * *sMakinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment

PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with