^

PSN Opinyon

One-time, big-time

REPORT CARD - Atty. Ernest Maceda - Pilipino Star Ngayon

Tinawag itong “game-changer” nang unang ipamahagi sa Amerika. Ito ang Janssen COVID-19 vaccine, ang kaisa-isang bakuna na one shot lang ang kabuuan.

Gawa ito ng tanyag na kompanyang Johnson & Johnson­­ na kilala sa mundo hindi lamang sa pharmaceu­tical kung hindi rin sa iba pang mga produktong medikal at pambahay. Marami sa atin ang lumaki sa kanilang baby powder, skin products, medical devices at mga gamot. Sa lahat ng kompanyang gumagawa ng vaccine, ito na marahil ang pinaka may kasaysayan sa lahat.

At dahil iisang bakuna ang kailangan, malaki ang ginhawa nito sa mga napeperwisyo sa pagpaturok ng dalawang beses. Iyong mga diskumpiyado sa pagbakuna ay mas nadadaliang magdesisyon kung iisang turok lang ang bubunuin.

Kamakailan, dumating sa bansa ang 3,240,850 doses ng Johnson & Johnson/Janssen vaccine. Isipin na lang natin na kung Sinovac or Pfizer o Moderna, ang naging­ brand nitong bakunang ibinigay ay kakailanganing hatiin ang bilang nito dahil dapat ay dalawang dosage lang kada tao. Imbes na 3,240,850 ay 1,620,425 lamang ang mabi­biyayaan. Ginhawa na para sa tao, ang laki rin ng kontribusyon sa mabilisang pagpatupad ng vaccination program.

Ang bonus nito ay ang storage requirement ng bakuna. Ordinaryong refrigeration facilities lang ang kaila­ngan, hindi tulad ng Pfizer at Moderna na ubod ng lamig dapat ang temperatura ng storage.

Ngayong talamak sa mundo ang iba’t ibang variant ng COVID-19, lalo na ang kinatatakutang Delta variant, lalong napapanahon ang ganitong one-time, big-time na bakuna­. Kung higit na malawak ang coverage ng vaccination, pakaunti nang pakaunti ang maaring makapitan ng virus.

Hindi lamang ang kalusugan ng mamamayan ang natulungan nitong donasyon. Maging ang kalusugan ng relasyong Philippines at US – ang pinakamatagal na marahil na bilateral international relationship natin – ay naiaangat ng ganitong pakikipagtulungan. Aabot na ng P1.38 billion ang total na COVID-19 assistance ng U.S. sa Pilipinas.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with