^

PSN Opinyon

Palaki ng komunistang China naging hari ng droga sa Asia

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

NU’NG Enero 22 nadakip sa wakas ang “pinakamalaking drug lord sa Asia-Pacific”. Sa Schiphol Airport sa Amsterdam nagtapos ang 10 taong pagmanman kay Tse Chi Lop, 57. Hari umano siya ng sindikatong kumakabig ng $18-bilyong shabu o methamphetamine kada taon sa 12 bansa. Sideline lang ang bilyonan pang kita sa heroin, at ketamine. Pasakay si Tse ng eroplano pa-Canada nang damputin sa arrest warrant ng Australian Federal Police. Mahigit 20 ahensiya ang nag-imbestiga sa kanya sa Asia, North America, at Europe mula 2013.

Hinambing ng Interpol si Tse kina Joaquin “El Chapo” Guzman at Pablo Escobar. Pero mas sopistikado si Tse at sindikato niya kaysa nakakulong na Mexican drug lord at patay nang Colombian cocaine boss. Mahilig magpasikat at naisa-pelikula ang krimen ng dalawang Latino; si Tse ay nanatiling low profile. Nagpapatayan ang mga karibal nina El Chapo at Escobar; sa laki ng ilegal na kita “payapa” ang kompetisyon ng Chinese Triads, at lima roon ay sa ilalim ni Tse. Kaya nagkamal siya ng personal na yamang $70 bilyon. Naka-private jet siya, at may walong bodyguards na Thai kickboxers sa lakaran o bahay. Minsan nagpatalo siya ng $66 milyon sa casino sa Macau – wala lang.

Isinilang nu’ng 1963 sa Guangdong, China, lumaki si Tse sa karahasan at gutom ng Cultural Revolution ni Mao Zedong. Ang kabataang Red Guards ni Mao ay pumatay ng mga karibal niya sa Chinese Communist Party. Nu’ng mamatay si Mao, tinugis ang radikal na Red Guards kaya nagtago sa Guangzhou. Nagtayo sila ng gang na “The Company” at pumasok sa “tong” o protection racket. Du’n na-recruit si Tse at hinubog sa disiplinang komunista at kawalang-Diyos.

Mabilis umangat si Tse sa sindikato at naging “Brother Number 3” o “Sam Gor” sa Cantonese. ‘Yun ang naging bansag sa gang. Nakulong siya sa America sa narco-trafficking pero siyam na taon lang dahil kuno sa karalitaan ng pamilya. Pagkalaya niya, bumalik siya agad sa krimen.

vuukle comment

DRUGS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with