^

PSN Opinyon

Desisyon ng Supreme Court

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

Ibinaba na ng Supreme Court ang desisyon kung saan lahat ng pulis ay kinakailangang magsuot ng body cameras kapag nagsisilbi ng arrest at search warrants. Kailangan nilang gumamit ng hindi kukulangin sa isang body cam at isang alternatibong aparato.

Kapag hindi sumunod ang mga pulis, mapapatawan­ sila ng contempt of court. Inalis na rin ng SC sa mga hukom­ sa Maynila at Quezon City ang kapangyarihang magbigay ng mga search warrants at pahintulutan ang mga operasyon sa labas ng kani-kanilang hurisdiksyon kasunod ng mga reklamo ng pang-aabuso at pagpatay sa mga aktibista.

Matatandaan ang “Bloody Sunday” kung saan siyam­ na hinihinalang mga New People’s Army ang napatay sa magkakahiwalay na operasyon sa Cavite, Rizal, at Batangas­ habang nagsisilbi ng warrants na inisyu ng regional trial courts ng Manila at Quezon City. Ang mga pulis ay hindi na pinapayagang magpatupad ng mga warrant sa labas ng hurisdiksyon ng nagkaloob na hukom.

Ito ay tagumpay para sa mga naniniwala na ang pang-aabuso ay ginawa kapag naghahatid ng tinatawag nilang “death warrants”. Ang desisyon ng SC ay magdudulot ng pagbabago sa PNP kung paano magpatupad ng search warrants. Kung mahigpit nilang susundan ang mga alitun­tunin na itinakda ng mataas na hukuman. Ngunit ayon sa National Union of People’s Lawyers (NUPL), may mga butas pa rin para hindi masunod ang mga alituntunin.

Ang isang halimbawa ay ang pagkilala ng mataas na hukuman sa seguridad ng mga ahente ng estado para patayin ang mga camera upang maprotektahan ang pagkakakilanlan nila. Medyo malaking butas nga iyan. Ang mga opisyal na naghahatid ng mga warrant ay maaaring­ gamitin ang palusot na ito sa lahat ng oras upang big­yang-katwiran kung bakit hindi ginawa ang pagrekord.

Pangalawa, maaarng sabihin na “hindi umandar ang camera o may sira”. Hindi binanggit ng SC ang anumang pananagutan kung mangyari ang mga sitwasyong ito. Kaya nasa kamay ng technical working group na inutos ni PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar para pag-aralan ang desisyon ng SC at maglabas ng isang memorandum hinggil sa paggamit ng mga body camera at ang pagtatala ng mga operasyon na kinasasangkutan ng mga search warrant at operasyon laban sa droga.

Tiyakin lamang ni Eleazar ang lahat ng mga alituntunin ay natutugunan, para patunayan ang pagpapatakbo ng pulisya ay regular at saklaw ng batas at hindi sasamantalahin ang mga butas para lang maging “tagumpay” ang kanilang operasyon.

Maraming sitwasyon ang maaaring mangyari mula ngayon. Ang isa ay nakikita kong ang pagbawas ng bilang ng mga napatay habang nagpapatupad ng mga search, arrest and seizure warrants dahil sa kinakailangan pagrekord ng operasyon at ang pagbawal ng pagpatupad ng mga warrants sa labas ng hurisdiksyon ng hukom na nagbigay. Pangalawa, maaaring madalas makita na hindi gumana o umandar o sira ang camera kaya walang video. Bagama’t mahirap patunayan na hindi gumana ang cell phone, hindi ba? Hihintayin na lang kung ano ang mangyayari sa ilalim ni Eleazar hinggil sa desisyon ng SC.

vuukle comment

SUPREME COURT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with