^

PSN Opinyon

Parangalan at pasalamatan lahat nang health frontliners

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

SINULAT ko noon na kung totoo ang pahayag ng Palasyo na nasa 350,000 ang nababakunahan na araw-araw, dapat noong katapusan ng Hunyo ay 10 milyong tao na ang nakatanggap ng kahit isang bakuna man lang. Pero ayon sa ourworldindata.org/covid-vaccinations ang kanilang datos noong Hunyo 29 ay 7.67 milyong tao pa lang ang naba­kunahan, o 7% ng populasyon. Kung bibigyan pa natin ng isang araw para opisyal na katapusan ng Hunyo, hindi pa rin siguro aabot ng 10 milyong tao.

Datos na nakalap ng organisasyong ito ang aking­ basehan. Kinakalap din nila ang lahat ng impormasyon hinggil sa pagbabakuna mula sa maraming bansa sa buong mundo­. Numero uno sa malalaking bansa ay ang Canada sa 68.0% noong Hunyo 29. Konti na lang makakamit na nila ang herd immunity. Naunahan na nila ang Israel na dating numero uno. Magandang pinagmumulan ng tamang impormasyon ang website na ito. Walang fake news. Walang pulitika.

Malayo pa tayo sa herd immunity. Pero nagpahayag ang OCTA research na maaaring makamit ng NCR Plus ang herd immunity sa Disyembre kung hindi kakalat ang Delta variant na sinasabing pinaka-nakakahawa. May balita mula sa Guangdong, China na 14 na segundo lang ang kina­­ilangan ng Delta variant makahawa ng ibang tao.

Dalawang babae ang nakunan ng CCTV na hiwalay pumasok sa banyo, siguro sa isang mall. Hindi raw mag­kakilala at hindi rin nag-usap. Pero hinawaan kaagad ng may impek­syon na ang nakasabay sa banyo. Hindi ba nakakatakot iyan? Hindi ba sa Disyembre dumarami nang husto ang populasyon ng NCR dahil dumarating ang mga taga-ibang lugar para sa Christmas shopping? Ma­gawa o payagan kaya ng gobyerno itong Disyembre?

Kaya mahalaga ang magpabakuna para kahit papano ay may laban sa COVID-19, kasama na ang Delta variant nito. At napag-uusapan na rin ang pagbabakuna, huwag naman sanang ipahiya, siraan, ibatikos o pagtawanan ang nagkamaling nagbigay ng bakuna sa Makati. Daan na rin iyan sa paulit-ulit na kilos at pagod. Ilangdaan din ang dumaraan sa kanya sa isang araw. Ang importante ay naitama kaagad ang pagkakamali, na sigurado akong hindi sinasadya. Kung kayo rin ang nagbabakuna nang marami araw-araw ay sigurado pagod din kayo. Bigyan naman natin ng parangal at pasasalamat ang ating health frontliners na mahigit isang taon nang walang pahinga sa labang ito.   

vuukle comment

OCTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with