^

PSN Opinyon

Mabuti ang exposè depende sa layunin

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Mabuti ang layunin ng mga pagbubunyag ng mga kati­walian sa pamahalaan. Pero depende iyan sa layunin ng nagbubunyag. Ito ba ay para mapuksa ang mga umiiral na anomalya o para magtamo ng “pogi points” dahil may ambisyong kumandidato sa mataas na puwesto?

Ang mga  media practitioners na kagaya ko ay parang sumusuntok sa buwan kapag may binabatikos na katiwalian. Masuwerte kami kung ito ay bibigyang pansin ng pamahalaan at gagawan ng karampatang aksyon. Ngunit iyan ay responsibilidad ng mga mamamahayag para   lumikha ng public awareness tungkol sa mga pangyayari sa pamahalaan at buong lipunan.

Ngunit kung ang naglantad ng mga kasamaang nangyayari sa gobyerno ay pulitiko tulad ng isang senador gaya ni Manny Pacquiao, sadyang umaaringking sa sakit at tinatamaan at ang rebelasyon ay sumasabog na parang bomba.

Ang isyung pinasabog ni Pacquiao laban sa admi-nistrasyon tungkol sa pagwawaldas umano sa pondong nakalaan para tugunan ang pandemya ay malaon nang binabanatan ng media. Sa mga panahong yaon na kinukuyog ng mga media entities, kasama na ako, si Health Secretary Duque, walang kibo si Pacquiao.

Ngunit kung kailan napabalitang tatakbo siya sa Pa-nguluhan, doon naman siya nag-aalab sa pagbubunyag? Kaya ang hamon ni Duterte kay Pacquiao, patunayan niya ang alegasyon at kung hindi ay mangangampanya mismo ang Pangulo para huwag siyang iboto ng tao.

Sagot ni Pacquiao, may mga pruweba siya, partikular sa kuwestyonableng P10.5 bilyong pondong ayuda na aniya’y “nawawala”.  Iyan ang inaabangan nang marami. Ano man ang motibo ni Pacquiao, basta’t napatunayan ng hawak niyang mga abidensya ang kanyang mga akusasyon, pasasalamatan ko iyan.

Pero mananatili sa isip ko ang ang tanong: Bakit ngayon lang, Pacman?

vuukle comment

MANNY PACQUIAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with