^

PSN Opinyon

Nene

DURIAN SHAKE - Edith R. Regalado - Pilipino Star Ngayon

Siya ang may-akda ng Republic Act 7160 (Local Government Code of 1991) at tinaguriang “‘Father of the Local Government Code of the Philippines”

Siya ang namayapang dating senador Aquilino “Nene” Pimentel Jr. Layunin ng kanyang batas na “to liberate provinces, cities, municipalities and barangay from over-dependence upon the central government by increasing their powers and share in the taxes and wealth of the nation.”

Matalino si Nene at hindi iyon maikakaila ng mga nakakakilala sa kanya  sa mahabang panahong ginugol niya sa pulitika at lalo pa noong pangunahan niya ang protest movement laban sa rehimen ni Ferdinand Marcos.

Noong Pebrero 6, 1982, itinatag ni Nene ang Partido Demokratiko Pilipino-Laban ng Bayan (PDP-Laban) upang labanan ang diktaduryang rehimeng Marcos. Namumuno si Nene sa mga protesta at talagang ipinaglaban niya ang mga maliliit at mga maralita.

Sa hinaba-haba ng panahon na nasa pulitika si Nene, marami siyang nakasalamuha na talagang nirerespeto siya hanggang sa kanyang pagyao noong Oktubre 2019.

Isa sa kanyang naging malapit na kaibigan ay si President Duterte na noon ay mayor pa ng Davao City. Pagkatapos ng EDSA Revolution, parati na silang nagkikita tuwing bumibisita  si Nene sa Davao o minsan sa Maynila naman kapag mayroong panahon.

Si Nene ang pumipirma ng Certificate of Nomination and Acceptance (CONA) ni Duterte sa PDP-Laban na requirement sa Commission on Elections tuwing halalan.

Hanggang sa pagtakbo at nanalong Presidente si Duterte noong 2016 ay bitbit siya ng PDP-Laban kaya hindi estranghero si Rody sa nasabing political party. Malaki rin ang naiambag ni Duterte sa PDP-Laban lalo na nang maging Presidente siya at binuhay niyang muli ang partido.

Nitong mga huling araw, nangingibabaw ang bangayan sa pagitan ni Duterte at ni Sen. Manny Pacquiao na tahasan namang sinasabing nais niyang tumakbong Presidente  sa 2022 elections.

At sa lahat ng gulo ngayon sa PDP-Laban tila hinahanap ko ang elemento kung nasaan si Nene na founder ng partido.

Hinahanap ko ang utak ni Nene na naging gabay ng local government executives sa loob ng 30 taon simula nang maibatas ang RA 7160.

Sana naman para sa mga taga PDP-Laban huwag ninyong sayangin ang nasimulan ni Nene. Huwag na huwag n’yong kalimutan na naging simbolo siya ng pakikipaglaban para sa demokrasya.

Sa totoo lang, utak sana ang pairalin nila. Nakaka-miss na nga si Nene.

vuukle comment

AQUILINO “NENE” PIMENTEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with