^

PSN Opinyon

‘Nanay approach’ ni VP Leni Robredo

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Kapansin-pansin ang pagkakaiba sa estilo ng pamu­muno nina President Duterte at Vice Pres. Leni Robredo. Ito’y punado nang marami sa social media lalo na ang tungkol sa magkaibang pag-handle nila sa kampanyang hikayatin ang taumbayan na magpabakuna laban sa COVID-19.

Ang napansin ko, ang style ng Presidente ay pananakot o coercion, habang si VP Leni ay persuasion o pang­hi­hikayat. Magkaibang-magkaiba ito. Sabi ng Presidente, ipaaaresto at ikukulong ang mga ayaw magpabakuna samantalang si VP Leni ay magbibigay ng incentives para himuking magpabakuna ang mga ayaw.

Dictatorial ang atas ng Presidente dahil arestuhin ang tao na walang basehan sa ating mga batas. Iyan ang opinion mismo ni Justice Sec. Menardo Guevarra. “Walang batas” para gawin iyan. Kahit pa nga mayroon nang batas, hindi pa maipatutupad kung wala pang enabling rules.

Dugtong pa ng Presidente, ‘yung ayaw magpabakuna­ ay magsilayas na sa Pilipinas dahil sila ang magiging carrier ng virus. Isa pa, puwede lang obligahin ang tao na magpabakuna kung available na at sapat-sapat ang vaccines. Pero hanggang ngayon ay kulang pa ang vaccine supply para matugunan ang malaking porsyento ng ating populasyon.

Sa Vaccine Express ng Bise Presidente, bibigyan ng gas incentive ang mga nagpabakunang TODA drivers at delivery riders sa Maynila. Biruin mo, babakunahan ka na nga nang libre, meron ka pang P500 na pang gas?

Tulad nito ang isang pamilya. May mga tatay na estriktong wala sa lugar at palamura kaya ang mga anak ay naliligaw ng landas sa pagrerebelde. Mayroon namang mga ina na diplomasya ang gamit para pasunurin ang mga anak.

Isang biyuda at single parent  si Leni Robredo. Kaya siguro reflected ito sa gawain niya sa gobyerno bilang Vice President. Ang single mother ay mag-isang kumakayod. Inaasikaso niya  ang lahat, pinagkakasya ang budget, patas ang trato sa bawat anak. Mahalaga ang isang ilaw ng tahanan sa gitna ng dilim ng pandemya na kinakaharap ng Pilipinas.

vuukle comment

LENI ROBREDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with