^

PSN Opinyon

‘Just a piece of paper’

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Iniharap ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pang-84 na diplomatic protest laban sa China dahil sa pananatili ng mga Chinese vessels sa Pag-asa Islands sa loob ng West Philippine Sea. Katulad din yata iyan ng arbi­tral ruling ng UN Court na kumakatig sa ating karapatan sa WPS na ayon mismo kay Presidente Duterte ay isa lang “kapirasong papel” na puwedeng ibalewala.

Pinawalambisa ng Permanent Court of Arbitration sa The Hague ang expansive claim ng China sa WPS na ruta ng kalakalan ng mga bansa. Dito ay tinataya sa $3 trillion halaga ng kalakal ang ibinibiyahe taun-taon. Hindi puwedeng maliitin ang namumuong tension sa WPS.

May babala na ang United States sa China, na kung hindi ito titigil sa mga agresyon na ginagawa sa pinagta­talunang karagatan ay mapipilitan itong magpatupad ng aksyon militar upang sumaklolo sa Pilipinas. Ito ay dahil sa umiiral na Mutual Defense Treaty ng dalawang bansa.

Hinihingi ng DFA sa China ang mabilis na pag-aalis sa mga barko nito na idineploy sa Pag-asa Islands  na “integral part” ng Pilipinas at may hurisdiksyon ang ating bansa rito. Batay sa mga satellite data ng United States-based research company, patuloy na dumaragsa ang presensya ng mga daan-daang barko ng China sa loob mismo ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.

Ang hindi natin batid ay kung hanggang saan ang pasensya ng Amerika bago ito magpatupad ng marahas na pagresponde sa sitwasyon sa WPS. Harinawang maglubay na ang China alang-alang sa kapayapaan. Ayaw nating lahat ang digmaan ngunit kung magmamatigas ang China, hindi lang Pilipinas ang apektado kundi ang buong daigdig.

Pinipilit ng administrasyong Duterte na maging palaka­ibigan at mabait sa China ngunit mukhang hindi tayo nakatatanggap ng angkop na tugon. Ang suliranin ay hindi lamang sa pagitan ng Pilipinas at China kundi ng halos lahat ng bansang dumaraan sa naturang karagatan na mawawalan ng freedom of navigation upang ibiyahe ang mahahalagang kalakal kung ito’y tuluyang kakamkamin ng China.

vuukle comment

WEST PHILIPPINE SEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with