^

PSN Opinyon

Walang maraming dada, gawa agad!

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

Noong Lunes, ipinalabas sa bitag live ang sumbong ng mga empleyadong tumakas sa kanilang pinagtatrabahuang pabrika sa Valenzuela City.

Simula mag-pandemya, ikinukulong ang mga empleyado sa loob ng pabrika, bawal umuwi, bawal ang lumabas. Kaya lahat ng gate at pinto, nakakandado!

Ang mga empleyado, sa sahig na rin natutulog na parang mga alagang baboy. Tumakas ang mga empleyado sa takot sa kanilang amo dahil lumabas ang video ng kani­lang kala­gayan sa social media.

Agad naming ipinaabot ito kay Valenzuela Mayor Rex Gatchalian. Hindi nagdalawang salita ang BITAG at umak­siyon naman ang mayor ora mismo.

Mayo 24, agad pinainspekiyon ni Mayor Gatchalian ang pabrika. Subalit hindi pinapasok ang mga kawani ng Valenzuela City Hall at BITAG. Wala umano ang may-ari ng pabrika.

Nag-iwan ng babala ang mayor, babalik kinabukasan ang kaniyang mga tao at ang BITAG. Kapag hindi ulit kami pinapasok ay ipasasara niya nang tuluyan ang pabrika.

Kinabukasan, Mayo 25, matagumpay na naisagawa ang inspeksiyon sa loob ng pabrika subalit ang grupo ng BITAG, hinarang pa rin at hindi pinaunlakang pumasok sa loob

Tulad ng inaasahan, halatang nakapaghanda na ang kompanya dahil nalinis na ang buong pagawaan. Subalit may mga nakita pa ring violation ang Valenzuela City Hall.

Kinahapunan, ipinatawag ni Mayor Gatchalian ang mga nagmamay-ari ng pabrika. Ang dumating, mga abogado nito.

Nagtangkang mangatwiran ang dalawang abogado, pilit ipinagtatanggol ang kanilang kliyente. Subalit nagmuk­hang basang sisiw ang mga ito nang sabunin ng todo ng mayor. Dahil sa mga nadiskubreng paglabag ng pabrika, nasupalpal ang mga abogado.

Iisa lang ang pamantayan na aming sinusunod ni Mayor Rex, kapag gumawa ka ng tama – pupurihin ka. Kapag gumawa ka ng mali at kumakasa ka – malilintikan ka talaga.

Kasalukuyang “stop operation” ang pabrika. Kailangang maayos muna ng kompanya ang kanilang mga violations at mabayaran ang mga nagrereklamong empleyado bago muling magbukas ang pabrika.

Eto ang tunay na Yorme! Wala nang maraming dada, gawa agad!

Hindi anti-business ang BITAG, hindi rin kami tagakunsinti ng mali. Kung ano ang nasa batas, sinusunod at tumutulong kaming ipatupad ito. Sa ngalan ng serbisyo publiko’t pagtulong sa mga kababayang nangangailangan.

vuukle comment

REX GATCHALIAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with