^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Paghandaan ang tag-ulan!

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Paghandaan ang tag-ulan!

Narito na ang tag-ulan. Ito ang inihayag ng Phi­­lippine Atmospheric, Geophysical and Astrono­mical Services Administration (PAGASA). Pinagbasehan ng PAGASA sa pagdedeklara ng tag-ulan ang 25 millimeters ng ulan sa loob ng tatlong sunud-sunod na araw.

Noong Linggo ng hapon, umulan nang malakas sa maraming lugar sa Metro Manila na nagdulot nang pagbaha sa ilang mababang lugar. Hindi lamang­ ulan ang malakas kundi pati na rin hangin. Noong Lunes, umulan muli dakong hapon na nagdulot din ng pagbaha. Noong Martes, muling umulan ng dakong hapon. Sabi ng PAGASA, wala pa namang namamataang sama ng panahon sa mga susunod na araw.

Pumasok na ang tag-ulan at siyempre kakambal nito ang problemang baha. Taun-taon, kahit pa sinabi ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at Metro Manila Development Authority (MMDA) na nagkaroon na sila ng paglilinis sa imburnal, estero at kanal, problema pa rin ang baha. Marami pa ring nakabarang plastic na basura. Ang mga plastic ay hindi natutunaw kaya habambuhay itong nakabara sa mga daanan ng tubig. Walang ibang paraan kundi ibawal ang single-use plastic. Sa mga lungsod sa Metro Manila, Quezon City pa lang ang nagbawal sa paggamit ng single-use plastic.

Sa panahon ng tag-ulan maraming sumusulpot na sakit – dengue, leptospirosis, malaria at iba pa. Makikipagsabayan ang mga sakit na ito sa COVID-19 na kasalukuyang nananalasa hindi lamang sa Pili­pinas kundi sa buong mundo. Posibleng kumalat ang COVID sa evacuation centers. Kadalasang kapag nagkaroon ng bagyo at baha, inililikas sa evacuation centers ang mga apektado at dito sila posibleng magkahawahan.

Baha at sakit ang dulot ng tag-ulan kaya nararapat na mag-ingat. Habang may panahon pa, ipagpatuloy ng DPWH, MMDA at LGUs ang paglilinis sa mga estero at kanal para maging maayos ang daloy ng tubig at maiwasan ang baha.

Wasakin ang mga posibleng tirahan ng lamok na nagdudulot ng dengue at malaria. Linisin ang kapaligiran para walang mabuhay na daga na nagdudulot ng leptospirosis. Ang leptospirosis ay sakit na naku­kuha sa baha na kontaminado ng ihi ng daga.

Paghandaan ang tag-ulan, baha at ang mga sakit na dulot nito.

vuukle comment

MMDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with