^

PSN Opinyon

Sumunod para maiwasan ang hawahan

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

Pinalawig muli ni President Rodrigo Duterte ang modi­fied enhanced community quarantine (MECQ) sa Metro Manila, Laguna, Rizal, Cavite at Bulacan. Sabi ni Digong ito lamang ang tamang pamamaraan upang maiiwas ang mamamayan sa virus. Mahigpit ang kanyang tagubilin sa local government units (LGUs) na ipatupad ang health protocols. Kapag daw may lumabag sa kautusan ay mananagot.

Maaari nang magbukas ang mga restaurant, eateries at iba pang food preparation establishment basta’t pairalin lamang ang 10%  indoor dine-in capacity ng mga ito. Kaya kahit papaano may mga negosyante at empleyado nang makikinabang kahit pinapairal ang MECQ. Aprubado ito sa 113th meeting ng Inter-Agency Task Force. Kaya hindi dapat abusuhin ang prebilihiyong ipinagkaloob ni Digong at IATF para kumita. Kapag tumaas muli ang kaso ng CO­VID-19 dahil sa pagiging iresponsable tiyak na magsa­sarado muli at may kakaharaping pang mabigat ng parusa.

Maging ang mga barbershops, beauty salons, beauty parlors at nail spas ay maari na ring magbukas basta’t 30% lamang ang magiging kapasidad. Mas lalo sigurong maging ligtas tayo sa COVID-19 kung hindi tayo pupunta sa mga kulob na lugar. Sa pag-aaral ng Department of Health mas mabilis ngayon ang trend ng virus, kung dati ay 15 minuto ngayon ay sa loob lamang ng limang minuto ay mahahawahan na nang COVID. Palaging magsuot ng face mask, face shield at ugaliing mag­hugas ng kamay bago makihalubilo sa inyong pamilya. At kahit na nasa loob na kayo ng tahanan sundin parin ang health protocols para maiwasan ang hawahan.

Samantala, sinabi ni Interior Secretary Eduardo Ano na hindi bawal ang pag-organized ng community pantries basta coordinated ito sa LGUs upang mabigyan ng seguridad ang mga tumatangkilik nito. Ipinagbawal din ni Ano ang pagtipun-tipon sa pistahan at party dahil ito ang mitsa ng hawahan. Kaya sa mga mahihilig sa pagtitipun-tipon, mag-isip-isip kayo. Alalahanin na mahigit 1 milyon na ang kaso ng COVID-19 at lahat ng mga ospital ay uumapaw sa pasyente. Maging ang mga doctors at nurses ay kinakapos na rin. Ilan sa kanila ay namatay habang tumutupad sa kanilang sinumpaang tungkulin. Para makatulong sa bansa, sumunod sa health protocols.

vuukle comment

MECQ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with