^

PSN Opinyon

Pabayaan daw

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

Si NTF-ELCAC spokesperson Lt. Gen. Antonio Parlade Jr. mismo ang umamin na nagsigawa sila ng “profiling” sa mga nasa likod ng community pantries. Ayon sa kanya, nais nilang malaman na hindi pinapasukan ng mga komunista ang mga gawaing ito. Natakot ang nasa likod ng community pantry sa Maginhawa St, kaya isinara ng isang araw. Ngayon ay bukas na uli ang pantry at maraming nakapila

Lahat ay boluntaryo sa pantry. Boluntaryo ang mamigay ng kahit ano – pagkain, damit, kagamitang-bahay at kung anu-ano pa. Boluntaryo ang nagbabantay sa mga pantry para walang umabuso. Lahat binibigay ang kanilang oras at kakayanan para lang makatulong sa komunidad.

 At ano ang unang iisipin ng mga taong taga-suporta ng administrasyong ito? Mga komunista ito at dapat malaman ng NTF-ELCAC ang lahat ng impormasyon tungkol sa kanila. Sino ang hindi matatakot kung may gustong malaman ang mga inpormasyon mo, lalo na kung pulis?

Itinatanggi ni Parlade na sila ay nag “red-tagging”. Nais lang daw nila malaman kung sino ang mga nasa likod ng mga pantry at hindi kasangga ang anumang grupo. Talaga? Nasa West Philippine Sea ang mga komunista, kung naghahanap talaga sila.  

 Ganito na ang estado ng ating bansa. May mga nais lamang tumulong sa kapwa, komunista kaagad ang bansag sa kanila ng malamang mga taga-suporta ng administrasyong ito. At hindi nag-aksaya ng panahon sina Parlade at QCPD. Agad kumilos. May mga hindi talaga matanggap kapag may ibang mas naunang nakakagawa ng mabuti kaysa sa kanila.

Naaalala ba ninyo si Manuelito Luna ng PACC na nais kasuhan si VP Leni Robredo noong mga unang araw ng pandemya at lockdown dahil nauna siya sa pag-isip ng mga dormitoryo at masasakyan ng mga medical frontliners, pati ang donasyon ng mga PPE sa ospital? Pabayaan daw ang gobyerno kumilos at sinasapawan sila.

Sa pahayag na iyan ay malinaw na hindi bahagi ng gob-yerno ang tingin kay Robredo, kahit halal pa ng mamamayan. Mabuti na lang at sinibak ni President Duterte si Luna. Kung nasa PACC pa iyan malamang pinag-initan din ang community pantry at sinasapawan ang gobyerno.           

Nagpahayag ang Palasyo na pabayaan ng NTF-ELCAC ang community pantries na nag-usbungan sa buong bansa. Wala rin daw utos ang DILG sa PNP na alamin ang impormasyon ng mga organizer nito.

Nagsalita rin si DOJ Sec. Menardo Guevarra na hindi tama ang isailalim ng pulis sa interogasyon ang tao maliban kung may paniniwala na lumalabag sa batas. Palasyo, DILG, DOJ ang mga nagsalita na pabayaan ang mga community pantries. Makinig naman kaya ang NTF-ELCAC, ang PNP at lalo na si Parlade?

vuukle comment

COMMUNITY PANTRY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with