^

PSN Opinyon

Tolerance permit sa ilegalidad?

GO NORTH - Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

Paso na noong Marso 2016 ang Deed of Authority (DOA) na binigay ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa Blobaltech Mobile Online Corporation – ang Peryahan ng Bayan (PnB).

Ngunit sa Pangasinan, patuloy ang operasyon gaya rin ni “Tony O” sa anim na distrito ng lalawigan upang “payu­ngan” ang numbers game “jueteng” kahit may pandemya.

Saan naman kaya kumukuha ng “basbas” si “Tony O” upang ipagpatuloy ang illegal na “pagpapasugal”?

Tiyak hindi ipagpapatuloy ang jueteng sa payong ng PnB, sa Pangasinan, Oriental Mindoro, Marinduque, Pa­lawan, Rizal, Catanduanes, Negros Occidental, Cebu, Bohol, Agusan del Norte, Davao del Sur, Misamis Oriental, South Cotabato at Zamboanga del Sur, kung hindi nagbubulag-bulagan ang pulisya at lokal na opisyal.

Pero bakit pati PCSO tila may basbas na rin?

Nang hulihin ang mga tauhan ng Globaltech noong Oktubre 2019, tumigil pansamantala si “Tony O”. Iginiit noon ng Ilocos region police na kailangan nila ng pinal na resolusyon sa arbitration proceedings ng PCSO at Globaltech. Walang maipakita ang Globaltech kundi ang Status quo ante (SQA) order noong Mayo 2016 ng Pasig City Regional Trial Court Branch 161.

Ngunit pagpasok ng bagong liderato ng PNP, nabuha­yan si “Tony O”.  Nagbago ang ihip ng hangin at nagpatuloy ulit ang PnB kahit may pandemya.

Nagbago rin ang “sayaw” sa PCSO. Kung ang dating­ liderato ni ex Marine General Alexander Balutan ay pinag-aalsa balutan na ang Globaltech matapos mapaso ang DOA nito, tila nakakabinging katahimikan naman ang tugon ng pumalit sa pamamahala sa PCSO.

Kung uusisain, tanging ang PCSO, ayon sa RA 1169 ang mayroong mandato upang mag-operate ng sweepstakes, lottery at kahalintulad na palaro sa buong bansa upang lumikom ng pondo para sa medical at charity programs ng pamahalaan.

Ang pinakahuling datos noong 2018, tumataginting na P63.55 billion ang nalikom ng PCSO mula sa lottery games na pinakinabangan ng milyong Pilipino.

Wala ni-singkong duling ang nanggaling sa PnB sa P63.55 bilyon na nalikom ng PCSO noong 2018, habang nakalahad sa napasong DOA ng Globaltech na dapat mag-remit ito ng P50 milyon. Umabot din sa P100 million ang hindi ni-remit mula sa PnB na lumobo pa ng P506 milyon kung maisasama ang penalties sa hindi naibigay na obligasyon nito ayon sa DOA.

Sinong niloloko sa sabwatang ito?

* * *

Para sa suhestiyon: [email protected]

vuukle comment

PCSO

PNB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with