^

PSN Opinyon

Gen. Lee, rumatsada na sa CAR!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

Hindi pa nga umiinit ang puwet ni Brig. Gen. Ronald Lee bilang hepe ng Cordillera Autonomous Region (CAR) subalit rumatsada kaagad at sunud-sunod ang kanyang accomplishments laban sa kriminalidad. Magandang sen­yales ito para sa taga-CAR, ‘di ba mga kosa? Kung sa­bagay, kilala naman itong si Lee na action man kaya’t sa mga kriminal d’yan sa CAR, magbalot-balot na kayo dahil hindi kayo sasantuhin ng bagong CAR director.

Pinalitan ni Lee bilang CAR director si Brig. Gen. Rwin Pagkalinawan na sa Mayo pa magretiro subalit nagpas­yang mag-non duty status na matapos tamaan ng COVID. Dipugaaaa!

Sa pag-upo ni Lee noong Martes, nagpasiklab ka­agad si Col. Allen Rae Co, ang hepe ng Baguio City police at inaresto si Arvie Reymundo Vibar, 28, na isang high value target sa droga na nasa watchlist ng Directorate for Intel­ligence (DI). Nahuli si Vibar matapos magbenta ng P3,500 halaga ng shabu sa isang police poseur-buyer, ani Co. Nakumpiska pa kay Vibar ang P4,080 halaga ng shabu, at isang celfone.

Inaresto rin ang negosyanteng si Elaine Fateg, matapos mahulihan ng slot machine (kulalong)s sa kanyang bahay sa Mountain Province. Habang hinihintay ng kan­yang mga kustomer ng kanilang order na pagkain, nagla­laro sila ng “kulalong” kaya nag-apply ng search warrant ang mga lokal na police at SWAK si Fateg.

Hindi naman pahuhuli ang Benguet PNP at inaresto si Jaypee de Guzman, 26, na nakalistang 2 most wanted­ person ng probinsiya. Si de Guzman ay nakaharap sa kasong anti-child pornography na ang complainant ay isang 16-anyos. Si Marcelo Bin-ong, 30, naman ay inaresto sa Nagtipunan, Quirino sa bisa ng arrest warrant ng ipinalabas ng Benguet RTC Branch 9 sa kasong child exploitation.

Sa illegal gambling naman, inaresto si Dewey Gao-ay, 57, habang nangongolekta ng taya sa STL sa Tuba. Nakuha sa kanya ang celfone, bet money, ball pen, notebook, at iba pang gambling paraphernalia. Sina Aron Antero, 40; Leonardo Teofilo, 33, at Mark Doloy, 29, ay natiyempuhan ng mga pulis na naglalaro ng tong-its sa isang nakaparadang dyip sa Tublay.

Panahon pa ng pandemya ‘yan ha! Dipugaaaaa!

Isang 41-anyos na miyembro ng Militia ng Bayan ang sumuko naman kay Col. Reynaldo Pasiwen, Benguet provincial director, para magbagong buhay. Isinuko niya ang isang granada. Dipugaaaa! Abangan!

vuukle comment

CAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with