^

PSN Opinyon

Mga taga-Itogon at Philex dapat magnegosasyon

GO NORTH - Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

NEGOSASYON ang solusyon sa suliranin ng mga taga-Itogon, Benguet at Philex Mining Corporation. 

 Iminungkahi ni Mayor Victorio Palangdan ang daya­logo sa pagitan ng Itogon Indigenous Peoples Organi­zation (IPO) at Philex upang maresolba ang alitan sa pag-aangat ng Tailings Dam Storage Facility 3 (TSF3) sa Padcal Mine Operations sa Tuba, Benguet.

Una nang hiniling ng IPO na maglunsad ang Philex ng Free Prior and Informed Consent (FPIC) bago iangat ang tailings dam sa Itogon. Iginigiit din nila na magbayad ng royalties ang Philex sa pagmimina nito sa ancestral domain ng Itogon.

 Pinahahalagahan ng Indigenous Peoples Rights Act (IPRA), ang batas na kumikilala sa karapatan ng indige­nous cultural communities (ICCs) at national minority. 

Ayon kay Palangdan, ang hiling ng mga mamamayan ng Itogon sa Philex na maglunsad ng FPIC na requirement sa IPRA at magbahagi ng royalties ay ginagarantiya ng Konstitusyon.

Mismong ang National Commission on Indigenous Peoples (NCIP)-Cordillera sa sulat sa Mines and Geosciences Bureau (MGB) ay nagsabing kahit nabigyan ng permit ang Philex, hindi ibig sabihin ay kakalimutan na ang royalties, dahil ang kinatitirikan ng mining tenement ay nasa ancestral domain.

Nanindigan ang NCIP na maaring i-invoke ng mga taga-Itogon ang karapatan nilang ipatigil ang mga pro­yekto, programa at aktibidades sa ancestral domain na hindi sumailalim sa FPIC process.

Pinagpapaliwanag na noon ng NCIP Cordillera ang anim na kompanyang nag-ooperate sa Benguet kung bakit hindi sila nagbabayad ng royalties sa mga host nito. 

 Sabi ni Palangdan, sa pamamagitan lamang ng dayalogo matitigil ang hindi pagkakaintindihan ng Philex at mga taga-Itogon.

* * *

Para sa suhestiyon: [email protected]

vuukle comment

MINING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with