^

PSN Opinyon

Kawawa ang bumili

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

Ang lupa na sangkot sa kontrobersiya ay ang lot number 12 na may sukat na 10,214 square meters at parte ng lot number 2006 na ang sukat naman ay 12,092 square meters. Orihinal na parte ng Lot H-5865 ang lot number 2006 at nakarehistro sa pangalan ni Sergio at may sakop na 15 ektarya sa Mindanao. Inilipat ito sa pangalan ni Adela na apo ni Sergio sa pamamagitan ng isang Affidavit of Self-Adjudication o dokumento ng pag-angkin sa lahat ng lupa ni Sergio. Bandang huli ay binenta ni Adela ang kapiraso ng lot number 2006 kina Berto (5,094 square meters) at Celso (5,000 square meters).

Anim na taon ang nakalipas, isang apo diumano ni Sergio na ang pangalan ay Virgie ang sumulpot at gumawa ng isa pang dokumento, Affidavit of Confirmation of Ownership sa 10,214 square meters na sakop ng lot number 2006 at nililipat ang lahat ng kanyang karapatan kay Leo. Ito ang naging Lot number 12 na ngayon ay sangkot sa kontrobersiya nang ibenta ni Leo sa isang realty company, ang LVR, na nagbenta naman nito kina Mario at Cely. Sila ang nakakuha ng titulo sa lupa (TCT No. T-31041).

Bandang huli, ang  mga apo naman nina Berto at Celso ang nagsampa ng reklamo sa RTC para maghabol sa titulo ng lupa at ipawalambisa ang anumang dokumento ng bentahan pati na ang titulo ng mag-asawang Mario at Cely pati ng LVR. Ginulo at inagaw daw nila ang karapatan sa Lot 12 na karapatan at pagmamay-ari nila.

Ang sagot naman ng mag-asawang Mario at Cely pati ng LVR ay “buyers in good faith” sila. Malinis ang bentahan at binayaran nila ang lupa. Isa pa, wala namang titulo na nakarehistro sa pangalan nina Celso at Berto na magkakaroon ng epekto sa ibang tao pati na sa buong mundo.

Matapos ang paglilitis ng RTC, naglabas ito ng desis­yon pabor kina Celso at Berto. Hindi raw pwedeng ibenta ni Virgie sa pamamagitan ng Confirmation of Ownership ang lot number 2006 dahil noong nagkaroon ng bentahan ay naibenta na ni Adela na apo ni Sergio ang lot number 2006 pati na ang lot 12 kina Berto at Celso.   Hindi rin masasabi na apo ni Sergio si Virgie dahil kinasuhan pa nga siya ng falsification of public document dahil sa ginawang dokumento ng pag-angkin sa lupa.

Nang umapela ang mag-asawang Mario at Cely sa Court of Appeals ay nabaliktad ang desisyon ng RTC. Inosente raw ang mag-asawa sa pagbili ng lupa dahil bago naman niya binili ay ginawa naman ni Mario ang kaukulang imbestigasyon nang malaman na hawak nina Berto at Celso ang lupa. Tama ba ang CA?

Mali. Ayon sa SC, ang tanong kung sino ang mas may karapatan sa nag-aagawan sa lupa ay masasagot sa pamamagitan ng pagtukoy kung buyer in good faith ba sina Mario at Cely nang bilhin nila ang lupa sa LVR. Ang kapasidad naman ng kompanya na ibenta ang lupa ay depende sa pagiging buyer in good faith din nito.

Ang isang “buyer in good faith” ay isang taong bumibili ng lupa na walang alam na may ibang umaangkin/may interes dito, nagbayad ng tamang halaga at nagbayad bago niya nalaman na may ibang naghahabol sa lupa. Buo ang paniniwala ng bumibili na ang nagbenta sa kanya ay may kapasidad. Harap lang ng titulo ang kailangan niyang tingnan at wala nang imbestigasyon na gagawin. Wala siyang obligasyon na busisiin ang apat na kanto ng titulo at ang kanyang katapatan pati malinis na hangarin ang indikasyon ng sinasabing good faith.

Kahit pa ang LVR ang rehistradong may-ari ay sina Berto at Celso naman ang nasa posisyon ng Lot 12. Kaya hindi sapat na ibase lang nina Mario at Cely sa mukha ng titulo ng LVR Realty ang pagbili sa lupa. Dapat ay masusi nilang inimbestigahan ang paghahabol ng mga apo nina Celso at Berto. Kahit pumunta si Mario sa Register of Deeds para siguraduhin na totoo ang titulo ay pumunta rin siya sa lupa at nakumpirma na nasa posesyon ang mga apo nina Celso at Berto. Nakausap pa nga niya ang kinatawan ng mga apo na si Soledad na naging dahilan kung bakit nadiskubre niya na naghahabol din sila sa Lot 12 sa bisa ng dokumento na ginawa naman ni Adela na apo ng orihinal na may-ari na si Sergio. Malinaw na alam nina Mario at Cely ang tungkol sa paghahabol sa lupa ng mga apo.

Dapat ay nag-imbestiga rin sila kung may kapasidad nga ang LVR na ibenta sa kanila ang lupa tuloy kumpirmahin kung totoo ang dokumento ni Virgie. Hindi nila naipakita na ginawa nila ang mga hakbang na ito bago binili ang Lot 12. Kaya hindi sila maituturing na inosente at mas may karapatan sa lupa. Kaya dapat lang na ibalik ang desisyon ng RTC (Heirs of Isabelo ang Antonio Cudal etc. vs. Spouses Suguitan, G.R. 244405, August 27, 2020).

vuukle comment

BATAS

LUPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with