^

PSN Opinyon

Holistic global approach kailangan laban sa COVID

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Sa nagaganap na COVID-19 pandemic sa buong mundo­, tila nagkakani-kaniyang diskarte ang mga bansa sa daigdig sa pagsupil sa karamdamang ito. Parang limot na ang matandang kasabihang “ang sakit ng kalingkingan ay sakit ng buong katawan.

Natural, yung mga mauunlad na bansa ay may bentahe. Mayroon silang sapat na pondo at teknolohiya sa pagtuklas ng gamot at bakuna laban sa bagong karamdaman. Ang mga maliliit na bansa gaya ng Pilipinas ay aasa na lang sa kakarampot na tulong mula sa kanila.

Sa ngayon, hindi makalarga nang husto ang vaccination program natin porke ang vaccine supply natin ay kulang na kulang at donasyon pa ng bansang China. Sa social media, mababasa natin ang masayang pahayag ng maraming kababayan nating Pinoy sa United States  na nabakunahan na sila. Sasabihin ng iba, “buti pa sila.”

Mapalad lang sila dahil naroroon sila sa isang bansang mayaman at maunlad, hindi kagaya natin sa Pilipinas na hanggang ngayon ay “lost in the dark” kung paano kaka­harapin ang pandemic na ito.

Kaya ang sabi ng Washington based World Bank, hindi handa ang daigdig, lalo na ang mga developing countries na harapin ang pandemic. Totoo yan kung hindi tayo tutulungan ng mga malalaking bansa. At sa palagay ko may obligasyong silang gawin ito alang-alang sa kaligtasan ng mundo.

Ang kaso, tila ang umiiral na pandemia ay naging oportunidad ng mga pharmaceutical giants sa daigdig upang lalung magkamal ng salapi.

Ang dapat nilang isipin ay nasa isang planeta tayo. Masugpu man ang karamdaman sa kanilang bansa pero patuloy namang mananatili sa ating mga maliliit na bansa, kakalat at kakalat pa rin ang virus. Isang holistic approach ang kailangan sa pakikbaka sa pandemia na nakatuan hindi lang sa iilang bansa kundi sa buong mundo.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with